Ang Escape the Fate (literal na "Takasan ang Kapalaran") ay isang bandang post-hardcore na mula sa lungsod ng Pahrump, Nevada, sa Estados Unidos. Nagkaroon sila ng tatlong studio album. Ang kanilang album na Dying Is Your Latest Fashion ay ang kauna-unahang album nila at ang ito lamang ang album na tampok ang unang bokalista nilang si Ronnie Radke. Inilabas ito noong 26 Setyembre 2006 at ang kanila namang ikalawang album na pinamagatang This War Is Ours ay inilabas noong 18 Oktubre 2008, at ang kanilang unang album na kasama si Craig Mabbitt bilang kanilang bagong miyembro. Ang pangatlong album nila, ang album na pinamagatang Escape The Fate, hango sa pangalan ng grupo, ay inilabas noong 2 Nobyembre 2010, unang beses sa malaking kompanya, ang DGC/Interscope, at ang pinaka-matagumpay nilang album sa ngayon.

Escape the Fate
Escape The Fate noong 2009
Escape The Fate noong 2009
Kabatiran
PinagmulanEstados Unidos Las Vegas, Nevada, Estados Unidos
GenrePost-hardcore, metalcore, alternative metal, hard rock emo (una)
Taong aktibo2005 - present
LabelEleven Seven Music,Universal, DGC, Interscope, Polydor, Epitaph
MiyembroCraig Mabbitt
TJ Bell
Robert Ortiz
Kevin "Thrasher" Gruft
Dating miyembroRonnie Radke
Omar Espinosa
Carson Allen
Max Green
WebsiteEscapeTheFate.com

Kasaysayan ng banda

baguhin

Pagkakabuo at ang Dying Is Your Latest Fashion

baguhin

Bago binuo ang Escape the Fate, ang bokalistang si Ronnie Radke, bahistang si Max Green, drummer na si Robert Ortiz, punong gitarista na si Bryan Monte Money, at ang rhythm guitarist na si Omar Espinosa ay may kanya-kanyang banda. Binuo ni Monte Money ang Escape the Fate, at inimbita si Omar Espinosa, na siya namang nag-imbita kay Max Green para sumali sa banda. Idinagdag ni Max Green si Ronnie Radke at Robert Ortiz, at isinali din si Carson Allen.

Ang paunang tagumpay ng Escape the Fate ay nagmula sa isang lokal na estasyon ng radyo na kaagad na pinagmulan ng kanilang mga tagahanga. Noong Oktubre 2005, napanalunan nila ang isang paligsahan sa radyo na hinusgahan ng bandang My Chemical Romance, at ginawaran ang banda ng oportunidad na magkaroon ng kanilang unang headlining tour kasama and Alakaline Trio at ang Reggie and the Full Effect.

Ang banda ay pumirma ng kontrata sa Epitah Records. Ang kanilang paunang 5-kantang EP na pinamagatang There's No Sympathy for the Dead ay inilabas noong 2006. Ang kanilang mga tour ay karamihan noong summer ng 2006, kasama na ang Vans Warped Tour, ngunit itinigil ito ng kasama ang Bullet for My Valentine and Eighteen Visions dahil sa personal na problema. Ang bokalista nilang si Ronnie Radke ay pansamantalang tinanggal sa banda matapos ibigay ang kanyang guilty plead sa pagtulong sa isang pagpatay ilang linggo lamang bago ilabas ang kanilang unang album na Dying Is Your Latest Fashion. Ang album na ito ay nakakuha ng pinakamataas na ranggong ika-12 sa Billboard Heatseekers chart at ika-19 sa Top Independent Albums chart.

Noong 6 Nobyembre 2006, ipinost nila sa kanilang MySpace blog na si Radke ay miymebro na ulit ng banda. Isinaad din ni Radke sa kanyang sariling MySpace blog ang paliwanag sa kanyang pagkawala at ang paglalarawan sa kanyang bagong pagmamahal sa buhay.

Ang pag-alis nina Espinosa at Radke

baguhin

Noong huling parte ng taong 2007, sa kalagitnaan ng Black on Black tour, ang rhythm guitarist na si Omar Espinosa ay umalis sa banda dahil sa mga isyung personal at gumawa ng bandang tinawag nyang Perfect Like Me (pagkatapos umalis ng The Black and White City). Isinaad niya sa kanyang MySpace blog na umalis siya sa banda at hindi na babalik ngunit umalis naman siya sa mabuting termino, at kaibigan pa rin niya ang iba pang miyembro ng Escape the Fate. Isinaad din niya na patuloy siyang susuportahan ang Escape the Fate kahit ano man, at naniniwala pa rin siyang isang magaling na banda ang Escape the Fate. Kalaunan, si Ronnie Radke ay tulyan ng pinaalis sa banda pagkatapos hatulan na mabilanggo noong Hunyo 2008 dahil sa pagsuway sa batas na may kinalaman sa narcotics at pakikisali sa isang away na naging sanhi ng kamatayan ni Michael Cook, ang taong nakaaway ni Max Green sa isang bar. Nagawa ito ni Radke sa kadahilanang gusto nyang ipag-tanggol ang ka-banda. Sa isang interview, sinabi ni Max Green, "Hindi kami makapag-tour sa labas ng bansa at Nevada kaya tinanggal namin si Ronnie sa grupo." Pinakawalan si Radke sa bilangguan noong Disyembre 2010 at bumuo ng bagong grupo, ang Falling in Reverse.

Ang pagdating ni Craig Mabbitt at ang This War Is Ours (2008–2010)

baguhin

Pagkaraang umalis ni Radke, ang dating bokalista ng Blessthefall na si Craig Mabbitt ay niyayang sumali sa banda, sa una ay temporary replacement lamang, pagkatapos sia ay naging official na miyembro ng grupo. Agad na isnulat ang ikalawang album ng banda, ang This War Is Ours, na inilabas noong October 21, 2008. Kasama sa album na 'to ang singles na "The Flood", "Something", "10 Miles Wide", and "This War Is Ours (The Guillotine II)". Ang "The Flood" ay inilathala bilang downloadable content kasama ang Warped Tour 2001 Pack para sa larong Rock Band. Ito ang unang album ng Escape The Fate na si Craig Mabbitt ang bokalista ng grupo.

Bago ang tour para sa This War Is Ours, hindi nakakumpleto ng tour ang banda. Ang banda ay sumama sa This War Is Ours tour kasama ang mga bandang Attack Attack!, Burn Halo, William Control, and Black Tide. Pagkatapos ay sumali ang Escape The Fate sa mga bandang Hollywood Undead at Atreyu sa kanilang tour noong 2008 at nag-tour din sila sa Europe noong Disyembre noong taong din na iyon.

Bago ang tour para sa This War Is Ours, hindi nakakumpleto ng tour ang banda. Ang banda ay sumama sa This War Is Ours tour kasama ang mga bandang Attack Attack!, Burn Halo, William Control, and Black Tide. Pagkatapos ay sumali ang Escape The Fate sa mga bandang Hollywood Undead at Atreyu sa kanilang tour noong 2008 at nag-tour din sila sa Europe noong Disyembre noong taong din na iyon.

Noong 2010, inihayag ng Epitaph Records ang re-release ng This War Is Ours album sa isang deluxe CD/DVD edition. Ang CD ay naglalaman ng dalawang bagong kanta, na pinangalanan na "Bad Blood" at "Behind the Mask", at ang acoustic version ng "Harder Than You Know", at ang hindi pa nailalabas na "This War Is Ours (The Guillotine II)" na tinawag na "This War Is Mine", na ni-remix ni Shawn Crahan ng Slipknot. Lumabas din ito sa DVD na naglalaman ng music video ng "This War Is Ours (The Guillotine II)", pati na rin ang "Something", "The Flood", at "10 Miles Wide", kasama din rito ang kanilang world tour documentary at isang behind the music feature. Inilabas ito noong April 27, 2010.

Ang Escape the Fate ay ginamit ang buong taon ng 2010 sa tour sa Australia sa Soundwave Festival pagkatapos sa Extreme Thing sa Estados Unidos.

Ikatlong album "Escape The Fate" (2010-2011)

baguhin

Sinimulan ng Escape the Fate ang pagre-record ng pangatlong album sa simula ng taong 2010, sa huli ay naging self-titled na "Escape the Fate", na inalabas noong Nobyembre 2010. Bago gawin ang album, umalis ang banda sa kanilang naging record label sa nakalipas na dalawang album na Epitaph at pumirma sa isang malaking kompanya na Interscope at ni-produce ang kanilang album ng Don Gilmore, na siya ring nag-produce ng album ng mga bandang Linkin Park, Hollywood Undead, at Bullet for My Valentine.

Sa isang interview na ginawa sa kalagitnaan ng Warped Tour 2009, sinabi ni Max Green na ang album ay magta-tampok ng kantang isinulat kasama si Mick Mars ng Mötley Crüe, na kusang lumapit sa Escape the Fate para tumulong sa pag-gawa ng ibang kanta, pero pagkatapos ay ibinunyag na sila ay nagka-sundo na isama ang kanta sa album at itinago muna para ilabas sa tamang panahon. Nag-simula noong 24 Hulyo 2010, sila ay nag-tour sa Timog at Gitnang Amerika, ang destinasyong kanilang pinuntahan ay Brazil, Argentina, Colombia, Chile, Colombia at Venezuela. Escape the Fate were handa ng mag-tour sa Estados Unidos, Canada, at Europa bago ilabas ang kanilang album, kasama ang Bullet for My Valentine, Drive A at Black Tide, pero kalaunan ay tumanggi sa kadahilanang si Max Green ay papasok sa rehab.

Noong Mayo 2011, ang Escape the Fate ay sumali sa ikalawang bahagi ng Raid The Nation tour na pinamumunuan ng Papa Roach at ang pagkawala ni Max Green bilang bahista. Walang pahayag tungkol sa kanyang kapalit, pero kinilala rin na si TJ Bell, na noong panahon na yun ay ang kasalakuyang rhythm guitarist para sa bandang Motionless In White. Sa mga sumunod na interview sa banda pagkatapos ang pag-alis ni Max Green, ipinaliwanag na ang dahilan ng kanyang pagkawala sa tour ay dahil sa pagka-adik sa droga. Samantala, si Bell ang ang pumalit kay Green sa mga sumunod na tours bago tuluyang pinalitan si Green noong simula ng taong 2012.

Noong 11 Enero 2011, ang banda ay nag-perform ng live sa "Tues Show" (Fuel.tv) at tinugtog nila ang "Issues" at "Gorgeous Nightmare" na may espesyal na pakikipag-tulungan ni Kevin Thrasher (ng Lovehatehero). Noong 19 Agosto 2011, inihayag ng banda sa kanilang Facebook na si Monte Money ay magpapa-hinga muna sa kabuuan ng tour pero parte pa rin ng banda. Si Kevin Thrasher, na nakipagtulungan na rin sa banda sa nakalipas, ang pumalit kay Monte. It was also announced that Max Green returned to the band after taking a break through the first half of 2011 to recover from his addiction with drugs through rehab. “I’m feeling great and am glad to be back with my band. Escape The Fate is my life. This is where I belong.”, Max Green said. After they played a couple of shows on the 2011 Uproar Festival, Max, again, left the band and Zakk Sandler, from Black Tide (who was also playing Uproar), filled in for him. Si TJ Bell, na kasalukuyang bahista ng Get Scared at dating miyembro ng Motionless In White ay muling pumalit kay Max Green noong simula ng taong 2012 sa UK tour ng banda kasama ang Funeral for a Friend, na pumalit na rin para kay Green noong nakaraang tour kasama ang Papa Roach.

The Dead Masquerade (2011)

baguhin

Ang banda ay naisipang gumawa ng tour sa unang pagkakataon, isang headlining tour, para i-promote ang kanilang bagong album, kasama ang mga bandang Alesana, Motionless in White, Get Scared at Drive A, sa buong US at Canada na nagsimula noong January at natapos noong March 2011.

Ang pangalawang serye ng kanilang headlining tour, ang Dead Masquerade Down Under, ay idinagdag kasabay ng kanilang mid-tour, at iniyahag ang isang tour sa Australia, kasama ang Pierce the Veil bilang co-headliners.

Raid the Nation (2011)

baguhin

Pagkaraan ng kinahinatnan ng kanilang headlining tour, ang The Dead Masquerade, at pag-hayag ng dami ng pagdiriwang, kasama ang Rocklahoma, Rock on the Range, Lazerfest, Download Festival, Inihayag din ng banda gamit ang Facebook at Twitter na kasama sila sa headliner sa ikalawang serye ng "Raid the Nation" tour kasama ang Papa Roach at ang special guest na Pop Evil, mula Mayo 2011 sa loob ng dalawang linggo sa buong silangang bahagi ng Estados Unidos.

Uproar Festival (2011)

baguhin

Mula Agosto 26 hanggang Oktubre 14, ang Escape The Fate ang unang bandang tumugtog sa Uproar Festival kasama ang mga bandang Bullet for My Valentine, Seether, Three Days Grace, at Avenged Sevenfold.

Europe (2011)

baguhin

Mula Oktubre 23 hanggang Oktubre 30, kasama din ang Escape The Fate bilang headliner sa European tour kasama ang Funeral for a Friend, kasama ang mga special guest na The Amity Affliction, The Bunny the Bear, at ang Straight Lines.

This World Is Ours Tour (2012)

baguhin

Inihayag ng Escape The Fate noong 6 Pebrero 2012 na sila ay maglu-lunsad ng co-headlining tour sa tagsibol na nagsimula noong Abril kasama ang bandang Attack Attack!, at sinuportahan naman ng mga bandang The Word Alive, Secrets, at Mest, papunta sa Hilagang Amerika.

South America (2012)

baguhin

Inihayag ng Escape the Fate na sila ay maglu-lunsad ng co-headlining tour na mangyayari ng apat na araw sa South America kasama ang Underoath at special guests na Protest the Hero. Pagkatapos ng tour na iyon, ang banda ay tutugtog sa Mexico ng walang kasama.

Mga Miyembro

baguhin

Kasalukuyan

baguhin
  • Craig Mabbitt - punong bokalista (2008 - kasalukuyan)
  • Bryan "Monte" Money - punong gitarista, bokalista (2005 - kasalukuyan)
  • Michael Money - rhythm guitar (touring lamang simula 2008, naging miyembro ngayong 2012)
  • TJ Bell - gitarang bass, bokalista (2011 - kasalukuyan)
  • Robert Ortiz - drums, bokalista (since 2004)

Nakaraan

baguhin
  • Ronnie Radke - punong bokalista (2004-2008), rhythm guitar (2006-2008), keyboard (2006)
  • Omar Espinosa - ritmong gitarista, bokalista (2005 - 2007)
  • Carson Allen - keyboard/bokalista (2005-2006)
  • Max Green - gitarang bass, bokalista (2004-2012)

Touring Members

baguhin
  • Zakk Sandler - gitarang bass, bokalista (2011)
  • Kevin "Thrasher" Gruft - rhythm guitar, punong gitarista (2011)

Diskografi

baguhin

Official Accounts ng Escape The Fate

baguhin