Estadistika ng paggawa
Ang estadistikang pampaggawa, estadistikang panggawain, estadistikang pangmanggagawa, o estadistika ng mga manggagawa (Ingles: labor statistics, labour statistics) ay isang uri ng estadistika na maaaring maging pagkunan ng impormasyon na may kaugnayan sa pamilihan na panggawain o merkado na pangmanggagawa. Maaari ring maisama sa estadistikang ito ang mga pagtataya o pagtantiya ng mga pasahod o anumang bilang na may kaugnayan sa trabaho.[1] Ang estadistikang ito ay nakapagbibigay din ng kabatiran hinggil sa mga gawi hinggil sa pagtatrabaho o pagpapatrabaho ng mga kabataan, na maaaring maging pana-panahon lamang (pansamantala) o pambuong taon na mga hanapbuhay (pangmatagalan).[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Labor Statistics, New York State Department of Labor.
- ↑ Child Labor Statistics, United States U.S. Department of Labor.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Ekonomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.