Estadistikang deskriptibo
Ang estadistikang deskriptibo o estadistikang paglalarawan ang disiplina ng paglalarawan ng mga pangunahing katangian ng isang kalipunan ng mga datos. Ito ay itinatangi mula sa estadistikang imperensiyal sa kadahilanang ang estadistikang deskriptibo ay naghahangad na ibuod ang isang sampol sa halip na magkaroon ng kaalaman tungkol sa populasyon na ang sampol ay pinaniniwalaang kumakatawan. Ang ilang mga pagsukat na karaniwang inilalarawan upang ilarawan ang isang hanay ng datos ang sentral na kagawian na kinabibilangan ng mean, median at mode at mga sukat ng pagkakaiba o pagkalat na kinabibilangan ng standard deviation, kurtosis at skewness.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.