Estasyon ng GMA–Kamuning (MRT)

ay isang estasyon sa Manila Line 3 (MRT-3)

Ang Estasyong GMA–Kamuning o Himpilang GMA–Kamuning, ay isang estasyon sa Linyang Dilaw (MRT-3). Ang himpilan ay isa sa maraming mga himpilang nakaakyat sa lupa. Nagsisilbi ang himpilan para sa Project Areas ng Lungsod Quezon. Bagamat mas malapit sa mga Abenida Timog at Silangan, ipinangalan ito sa GMA Network Center at Daang Kamuning na ilang dipa ang layo mula sa himpilan.

GMA–Kamuning
Manila MRT Line 3
Estasyong GMA–Kamuning
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonEDSA, Brgy. Bagong Pag-asa, Diliman, Lungsod Quezon
Koordinato14°38′06.52″N 121°02′36.10″E / 14.6351444°N 121.0433611°E / 14.6351444; 121.0433611
Pagmamayari ni/ngKagawaran ng Transportasyon
Metro Rail Transit Corporation
Pinapatakbo ni/ngMetro Rail Transit Corporation
LinyaMRT-3
PlatapormaGilid na batalan
Riles2
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaTulay (Overpass)
Akses ng may kapansananMayroon
Ibang impormasyon
KodigoKa
Kasaysayan
NagbukasDisyembre 15, 1999

Nagsisilbi bilang panlabing-isang himpilan ang GMA–Kamuning para sa mga treng MRT-3 na patungo sa Abenida North at bilang pangatlong himpilan para sa mga treng patungo sa Abenida Taft.

Mga kawing pangpanlalakbay

baguhin

May mga sasakyang de-padyak, dyip, taksi, at mga bus na nagaabang ng mga pasahero sa isang himpilang pantransportasyon sa labas ng estasyon.

Balangkas ng estasyon

baguhin
L3 Tulay Tawiran sa pagitan ng mga batalan
L2
Batalan
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Batalan A Ika-3 Linya papuntang North Avenue
Batalan B Ika-3 Linya papuntang Taft Avenue
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Lipumpon Faregates, Bilihan ng Tiket, Sentro ng Estasyon, Tindahan
L1 Daanan GMA Network Center, Public-Private Partnership Center, Bureau of Research and Standards