Ang estilong APA (mula sa American Psychological Association o APA) ay isang malawakang tinatanggap na estilo ng dokumentasyon. Inilalahad nito ang mga pangalan at pagkakasunud-sunod ng mga ulong-pamagat, pamamaraan, at pagkakaayos ng mga sangguniang tulad ng sitasyon at bibliograpiya, at pagkakaayos ng mga tabla, bilang, talababa at apendiks, maging ang iba pang mga kasangkapang-katangian ng mga sulatin o manuskrito. Ginagamit ng estilong APA ang pananangguning Harvard, na kilala rin bilang pamamaraang may-akda-at-petsa ng mga sitasyon at mga pananangguning parentetikal, na nakasusi o nakaakibat sa isang sumusunod na tala ng mga "Pinagkunan" o "Pinagbatayan". Nagbibigay ng payak na mga panuntunang gabay ang Publication Manual (Publikasyong Gabay o Publikasyong Manwal) ng APA para sa pagdodokumento mga batayang nakalimbag.

Mga sanggunian

baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Sikolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.