Estimulasyon
Ang estimulasyon o istimulasyon, na may kahulugan o diwang pagpapasigla, panggigising, pagpapagalaw, pag-udyok, pamumukaw, pagpukaw, o pag-antig, ay ang gawain o kilos ng sari-saring mga estimulo (mga bagay nakakaestimula, nakapanggigising, nakapagpapasigla, nakakapukaw, nakauudyok, o nakakaantig) sa mga nerb, mga masel, o isang pandama o pandamdaming organong panghulihan (tinatawag na sensory end organ sa Ingles), kung saan sa pamamagitan nito ang mga bahaging nakaugnay sa nerb ay nagkakaroon ng isang katayuan o kalagayan ng paggalaw o pagkilos. Ang salitang ito ay kadalasan ding ginagamit na metaporikal o patalinghaga. Bilang halimbawa, ang isang nakakaaliw o nakakatawag ng pansin na gawain ay maaaring ilarawan bilang "nakakapagpapasigla", anuman ang epektong pangkatawan o pisikal nito sa mga nerb. Ginagamit din ito sa teknolohiya ng simulasyon upang ilarawan ang isang signal na sintetikal ang pagkakalikha na "nakakapagpapagalaw" o nakapagpapa-estimula ng tunay na kagamitan, kasangkapan, o aparato.
Sanligan
baguhinSa pangkalahatang diwa, ang estimulasyon ay tumutukoy sa kung paano nawawawaan, nawawari (persepsiyon, kawarian, pagwawari), nararamdaman, o nahahalata ng mga organismo ang parating at papasok na estimulo. Bilang ganyan, isa itong bahagi ng mekanismo ng estimulo at pagtugon. Ang payak na mga organismo ay malawakan ang pagtugon o pagkakaroon ng reaksiyon sa estimulo, at may tatlong kaparaanan: (i) ang napakakakaunting estimulasyon ay nagsasanhi sa kanila na maging huminto o tumigil; (ii) ang napakaraming estimulasyon ay nakapagsasanhi ng kamatayan dahil sa pagkabalisa at panghihina o hindi o kawalan ng kakayahang masanay o makibagay; (iii) at ang katamtaman o tama lamang na dami ng estimulasyon ay nakapagdurulot ng kakayahang masanay o bumagay at sumulong habang na nadadaig at napagtatagumpayan ang estimulasyon. Ang kahalintulad na mga epekto o mga kategorya ay mapapansin sa pagkabalisang pangsikolohiya o pang-isipan na nararanasan ng tao. Kaya ang estimulasyon ay maaaring ilarawan bilang kung paanong ang panlabas na mga pangyayari o kaganapan ay nakapag-uudyok ng isang katugunan o kasagutan mula sa isang indibidwal bilang isang pagtatangka upang masanay at malampasan ang estimulasyon.