Estratehiya
Ang patigayon o estratehiya ay isang salitang nangangahulugang mahusay na paraan o mahusay na pamamaraan. Unang ginamit ang salita ng militar. Nagmula ito sa sinaunang salitang Griyego para sa pangkalahatang opisyal (pinunong panglahat) na nag-uutos at namumuno sa lahat ng sandatahang lakas ng isang estado. Ang estratehiya ay isang pangmatagalang plano o balak sa kung ano ang dapat gawin upang makamit ang isang tiyak na layunin. Kapag ang pinag-uusapan ay ang malapit na hinaharap, madalas na ginagamit sa pakikipag-usap ang salitang taktika. Sa kasalukuyan, ang salitang "estratehiya" ay madalas nang ginagamit; ang mga tao ay maaaring tumalakay - bilang halimbawa - ng hinggil sa "estratehiya sa negosyo".
Tingnan dinBaguhin
BibliyograpiyaBaguhin
- Clausewitz, Carl von. 1989. On War, trans. Michael Howard and Peter Paret. Princeton, NJ: Princeton Univ. Press.
- Gray, Colin S. 1999. Modern Strategy. Oxford: Oxford Univ. Press.
- Liddell Hart, Basil. H. 1967. Strategy. New York: Praeger.
- Luttwak, Edward. 2001. Strategy: the logic of war and peace. Cambridge, MA: Belknap Press.
- Sun Tzu. 1963. The Art of War. trans. Samuel B. Griffith. Oxford: Oxford Univ. Press.
- Watson, John 1998. Secrets of modern chess strategy: advances since Nimzowitsch. Gambit, London.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.