Etikang pangnegosyo
(Idinirekta mula sa Etika sa negosyo)
Ang etikang pangnegosyo o etikang pangkorporasyon (Ingles: business ethics, o corporate ethics, literal na "etika ng kasama" o "etika ng kalakip") ay isang uri o anyo ng nilapat na etika o etikang pamprupesyon na sumisiyasat sa mga prinsipyong pang-etika at mga suliraning moral o pang-etika na lumilitaw sa loob ng isang kapaligirang pangnegosyo. Mailalapat ito sa lahat ng mga aspekto ng kaasalang pangnegosyo at mahalaga sa pag-aasal ng mga indibiduwal at ng kabuoan ng mga samahan o mga organisasyon.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Etika at Negosyo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.