Ang etikal o moral na dilema ay isang komplikadong sitwasyon na sumasangkot sa maliwanag na salungatan ng isa o maraming mga aksiyon na moral. Ito ay nangangahulugan na ang pagpili ng isang moral na aksiyon ay magreresulta sa pagsalungat o pagsalangsang sa isa pang moral na aksiyon.

Mga halimbawa

baguhin
  • Ikaw ay inutusan ng isang sindikato na patayin mo ang nanay mo upang ang mga organo nito ay gamitin upang iligtas ang lima pang tao(na kabilang dito ang tatay at dalawa mong kapatid). Kung hindi mo ito gagawin, ang limang taong ito ay tiyak na mamamatay.
  • Ikaw at ang iyong anim na anak ay binihag ng isang terorista. Ikaw ay binigyan ng isang baril ng terorista at inutusan kang barilin ang isa sa mga anak mo upang pakawalan niya ang lima mo pang mga anak. Kung hindi mo ito gagawin, papatayin pa rin niya ang anim mong mga anak. Kung babarilin mo ang sarili mo, papatayin pa rin niya ang anim mong anak.
  • Ikaw ay operador ng isang riles ng tren. Sa harap mo ay nahahati ang riles sa dalawang direksiyon na kanan at kaliwa. Sa dalawang segundo, may paparating na tren at ikaw ay magpapasya kung sa kanan o kaliwang riles mo padadaanin ang tren na ito(ngunit walang pindutan upang mapahinto mo ito). Pero napansin mong sa kaliwang riles ay may dalawang taong nakatali dito(na ang isa rito ay nanay mo) at sa kanang riles naman ay may limang taong nakatali dito (na ang dalawa rito ay ang mga kapatid mo).

Tingnan din

baguhin

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Etika at Moralidad ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.