Etikang situwasyonal
Ang etikang situwasyonal ay binibigyan pansin ang partikular na konteksto ng isang gawa kapag sinusuri ito sa etikang pananaw imbis na husgahan ito sang-ayon sa lubusang pamantayang moral. Sa etikang situwasyonal, sa loob ng bawat konteksto, hindi sinusundan ang pangkalahatang batas, ngunit ang batas ng pag-ibig. Isang salitang Griyego ang ginagamit upang isalarawan ang pag-ibig sa Bibliya, ito ang "agape" na isang uri ng pag-ibig na pinapakita ang pagmalasakit sa kapwa, ang pag-iintindi sa kanila tulad ng pag-iintindi sa sarili. Sinasabing na pag-ibig na agape ay paggawa ng mabuti sa kapwa na hindi humihingi ng kapalit; ito ang pag-ibig na walang kondisyon.[1] Kabilang sa mga naunang nagsulong ng etikang situwasyonal sina Kierkegaard, Sartre, de Beauvoir, Jaspers, at Heidegger.[2]