Ang etnohistorya ay ang pag-aaral ng etnograpikong mga kalinangan at mga kaugaliang indihena o katutubo sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga rekord na historikal o mga pagtatala na pangkasaysayan. Isa rin itong pag-aaral ng kasaysayan ng sari-saring mga pangkat etniko na maaari o maaaring hindi na umiiral sa kasalukuyan. Gumagamit ang etnohistorya ng mga datong pangkasaysayan at pang-etnograpiya bilang pundasyon nito. Ang mga metodo at mga materyal na pangkasaysayan nito ay lumalampas sa pamantayang paggamit ng mga kasulatan o dokumento at mga manuskrito. Kabilang sa mga ito ang paggamit ng mga mapagkukunang materyal na katulad ng mga mapa, musika, mga larawang ipininta, mga litrato (potograpiya), kuwentong-bayan, tradisyong sinasalita, panggagalugad ng lugar, mga materyal na arkeolohiko, mga koleksiyon sa mga museo, umiiral pang mga kaugalian, at mga pangalan ng pook.[1].

Mga sanggunian

baguhin
  1. Axtell, J. (1979), "Ethnohistory: An Historian's Viewpoint", Ethnohistory 26(1):3-4


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.