Etnomusikolohiya
Ang etnomusikolohiya ay isang sangay ng musikolohiya na binigyang kahulugan bilang ang pag-aaral ng mga aspetong panlipunan at pangkultura ng musika at sayaw sa loob ng lokal at pangglobong mga konteksto o diwa.[1] Inimbento ni Jaap Kunst ang kataga mula sa mga salitang Griyegong ἔθνος ethnos (nasyon) at μουσική mousike (musika), at kadalasang itinuturing na antropolohiya o etnograpiya ng musika. Tinawag ito ni Jeff Todd Titon bilang pag-aaral ng "mga taong gumagawa ng musika."[2] Bagaman iniisip ito bilang isang pag-aaral ng tugtuging hindi nagmula sa Kanluraning Mundo, ang etnomusikolohiya ay nagsasama rin ng pag-aaral ng Kanluraning musika ayon sa perspektibo o pagtanaw na antropolohikal o sosyolohikal (panlipunan). Naniniwala si Bruno Nettl (1983) na isa itong produkto ng Kanluraning kaisipan, at nagpahayag siya na ang "etnomusikolohiya ayon sa pagkakaalam ng kanluraning kultura ay talagang isang kababalaghang kanluranin."[3] Naniniwala si Nettle na may mga hangganan sa pagpiga ng kahulugan mula sa musika ng isang kultura dahil sa distansiyang perseptuwal ng tagapagmasid na taga-Kanlurang Mundo mula sa kultura; subalit, ang lumalaking paglaganap ng mga dalubhasang nag-aaral ng kani-kanilang sari-sariling mga tradisyong pangmusika, at ang tumataas na saklaw ng iba't ibang mga pangteoriyang kayariang-panggawa at mga metodolohiyang pampananaliksik ay nakagawa ng marami upang harapin ang mga kritisismong katulad ng kay Nettl.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Pegg, Carole: Ethnomusicology, edisyon sa Internet ng Grove Music. Naka-arkibo 2008-05-16 sa Wayback Machine. L. Macy (pinuntahan noong Pebrero 3, 2008).
- ↑ Titon, Jeff Todd: Worlds of Music, ika-2 ed. New York: Schirmer Books, 1992, p. xxi.
- ↑ Bruno Nettl 1983:25 - The Study of Ethnomusicology. Urbana, Chicago, at London: Palimbagan ng Pamantasan ng Illinois.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.