Eugene Meyer
Si Eugene Isaac Meyer (Oktubre 31, 1875 – Hulyo 17, 1959) ay isang Amerikanong tagapamuhunan, opisyal publiko, tagapaglathala ng pahayagang Washington Post. Naglingkod siya bilang Tagapangasiwa ng Reserbang Pederal mula 1930 hanggang 1933. Siya ang ama ng publisistang si Katharine Graham.
Siya ang naging unang pangulo ng Bangkong Pandaigdig, na nagsilbi mula Hunyo 1946 hanggang Disyembre 1946, at hinalinhan ni John J. McCloy.
Asawa niya si Agnes Elizabeth Ernst. Sumakabilang buhay si Meyer noong Hulyo 17, 1959 sa edad na 83.
Sanggunian
baguhin- Talambuhay ni Eugene Meyer, WorldBank.org Naka-arkibo 2005-12-16 sa Wayback Machine.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.