Evangelical Free Church of the Philippines
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng mas marami pang mga kawing sa iba pang mga lathalain upang matugunan ang mga pamantayan pangkalidad ng Wikipedia. (Enero 2014) |
Maaaring hindi nakakatugon ang artikulong ito sa pangkalahatang gabay sa katanyagan.
Pakitulungang magbigay ng katunayan ng katanyagan sa pamamagitan ng pagdagdag ng mapagtitiwalaan, pangalawang mga sanggunian tungkol sa paksa. Kung hindi makapagbigay ng patunay ng katanyagan, malamang na isanib o burahin ang artikulo. (Agosto 2009) |
Ang Evangelical Free Church (EFC), Evangelical Free Church of America (EFCA), at ang Evangelical Free Church of the Philippines (EFCP) ay isang denominasyon ng Kristiyanismo.
Kasaysayan at Ugnayan ng EFCP sa EFC at EFCA
baguhinPasimula
baguhin(Unang Bahagi)
Mahalagang Paunawa: Ang artikulong ito ay isinulat ni Hero Daquis bilang pangunahing saliksik sa balangkas na pagtugon sa pag-aaral ng Church History sa Evangelical Theological College noong taong 1999. Ang mga nakasaad dito ay nangangailangan na ng mas angkop na batayan.
Mahigit apat na dekada na ang Evangelical Free Church dito sa Pilipinas (EFCP).[1] Subalit magpasahanggang ngayon ay tila hindi pa rin gaanong kilala ang mga pagkilos ng lokal na denominasyon.[2] Kakaunti pa lamang ang mga simbahang naitatag at pawang maliliit ang bilang ng miyembro sa bawat simbahan—siguro ay di hamak na kulang-kulang sa limampu lang ang bawat average membership.[3] Dahil sa hindi gaanong tanyag sa Pilipinas ang EFCP, inaakala ng karamihan na bagong denominasyon lang ito. Ang EFCP ay bago nga lang; ngunit ang mas malaking denominasyon—ang mismong Evangelical Free Church (EFC)--ay may mayaman na kasaysayan, at dito rin naka-ugat ang kasaysayan ng EFCP.
Ang isang patunay na alam kong nakakatulong ng malaki sa pagpapakilala ng EFC sa Pilipinas ay si Chuck Swindoll, isang kilalang leader sa pangkasalukuyan ng Evangelical Free Church of America (EFCA). Dahil sa lawak ng kanyang naaabot sa kanyang programa sa radyo, ang Insights for Living,[4] na maririnig sa mga estasyon ng radyo sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, ay dumarami ang nagiging pamilyar sa katuruan ng EFC. Maaaring sa ngayon ay itinuturing na pinakamahalagang kontribusyon ng EFC sa kabuuan ng Kristyanismo sa Pilipinas at sa buong mundo ang pagtuturo ni Swindoll.[5]
Ano pa ba ang alam ng mga tao tungkol sa EFC at sa mga kaugnay nito? Dapat siguro ay baliktarin natin ang tanong: ano pa ba ang hindi nalalaman ng mga tao sa EFC?
Ang ganitong payak na katanungan ay hindi madaling sagutin. Hindi pa gaanong malinaw sa isip mismo ng mga miyembro ng EFCP churches kung kailan talaga at kung saan umusbong ang EFC at kung papaano nakarating ito sa Pilipinas. Batid ko lang na ang EFC ng Amerika, sa pamamagitan ng kanilang Evangelical Free Church Missions (EFCM), ang siyang tumulong maitatag ang EFCP.[6] Sadyang kulang na kulang ang mapagkukunang talaang pangkasaysayan[7] para sundan ng pagpapaliwang ang mga galaw na ito; wala pa rin akong nakikitang aklat na ginawa patungkol sa kung papaano detalyadong nasimulan ang EFC sa Pilipinas. Ganumpaman, sa aking palagay, batid na halos ng lahat na mga EFC members sa Pilipinas na ang EFC ng America nga ang pinanggalingan ng EFC ng Pilipinas.
Kaya sa sulating ito ay mas nakararami ang pagpapakilalang matutunghayan sa kasaysayan ng EFC at ng EFCA—na isang lahing mas nakakatanda kaysa sa EFCP. Ang EFCA ay nasa kanya ng ika-125 na taong pagkakatatag.[8]
Matutunghayan natin sa report na ito ang iba’t ibang pahayag ng may apat na manunulat—sina Hanson, Westin, Norton, at Olson. Kasama rin ang mga contribusyon ng Spiritual Heritage Commitee ng EFCA sa kanilang aklat na nilikha bilang pagpaparangal ka Dr. Thomas McDill sa kanyang pagreretiro noong mga unang bahagi ng dekada siyamnapo (90’s) bilang presidente ng EFCA .
Sa ipiprisinta ko ngayon, titignan ko ng isa-isa ang mahahalagang kon-tribusyon ng bawat manunulat tungkol sa kung paano naging EFC ang EFC, at sa kung paano nakarating ang EFC sa Amerika na naging EFCA naman paglipas ng ilang panahon. Ang mga patungkol sa EFCP naman ay pupunan ng mas maraming paksa at pansin sa kanyang ang kasaysayan sa mga susuond na bahagi.
Bilang repleksiyon, nais kong bigyan ng pansin ang mga hamon ng denominasyon ng EFC sa kanilang mga simbahang nasasakupan at sa buong Kristianismo sa mundo sa pagharap sa kinabukasan.
Ang Pagiging “Free Church”
baguhinSa pagpapaliwanag sa aklat ni Calvin Hanson, director of internship sa Trinity Evangelical Divinity School, ang pagiging “free church”ay itinuturing na isang katangian ng mga simbahan noon pa mang panahon ng Bagong Tipan. Ang bawat isang tao na “freely and sincerely [confessing] personal faith in Jesus Christ as Savior and Lord,” ay saklaw ng lahing pinagmulan ng Free Church. Itong ganitong konsepto, sa wika ni H. Wilbert Norton, “as old as the Church itself” [qtd. in Hanson, p. 17], ang sumasapat na pagpapakilala kung paano ang ibig sabihin ng isang pagiging “free”(What It Means to be Free, 1990:17).
Sa panimulang salita naman ng aklat ni Arnold Olson, mababasa sa mga paunang salita ang isang siping isinulat ni V. Raymond Edman, presidente ng Wheaton College patungkol sa EFCA (na tugma rin sa temang pagiging free church). Wika ni Edman: “...isang ‘organismo’ kaysa isang ‘organisasyon,’ isang ‘movement’ at hindi mekanismo...[at] ang pagkakaroon ng ‘fellowship marked by freedom of God’s Spirit’ ang dahilan ng isang pagiging free church. Ang kalayaang bigay ni Kristo (na hindi lisensiya para gumawa ng kalokohan) ang patuloy na tanda ng Evangelical Free Church [hangang ngayon]” (This We Believe, 1961:introduction).
Sa kanyang pagpapaliwang ng konseptong “Christian free church”, isi-nulat naman ni Gunnar Westin, Professor Emeritus ng University of Uppsala, na kinikilalang pinaka-authority sa Free Church history, na ang “primitive Christian congregation in Jerusalem--as well as similar congregations in Antioch, Ephesus, Corinth, and Rome--was a free church.” Ang salitang “free church” ay may kaugnayan sa mga “distinct groups within history who...have separated from the life of paganism...”(The Free Church through the Ages, 1958:1).
Sa madaling sabi, ang konsepto ng pagiging “free church” ay iniuugnay mula pa sa pinaka-maagang panahon ng samahang at simbahang Kristya-no. Ang mga mananampalatayang “kumalas” sa pagkakabihag ng paganis-mo at humimok sa iba ng pagkakaroon ng freedom in the spirit na hindi diktado ng kamunduhan, sa kabila ng mga pagbibihag at pagpapahirap ng paganong estado sa kanila, ay ang mga lahing pinagmulan ng EFC.
Ang mga Free Church Movements
baguhinAng Montanismo noong pangalawang siglo, na kilala sa kanilang mga aspetong erehe, ay maaaring tignan na isang free church movement. Sila ay kumalas mula sa “kababawan” ng simbahan upang mapanatili ang pamumuhay ng banal at upang labanan ang kamunduhan na sa paniniwala ni Montanus ay nakapasok na sa loob ng institutional church. Ang concern na ito ay laging at nananatiling bahagi ng Free Church (Hanson 17).
Bagamat kadalasang nakaakibat ang mga “prophetic ecstasies” at ang mga “imaginative interpretation of the Revelation,” ang Montanismo ay kinilala ni Westin na mayroong mga sumusunod na katangian: (1)an early church pietism, (2) a central emphasis on declaring the message of salvation, and “holiness in the light of the signs of the imminent end of the world”, (3) a view of laymen as “priests who ought earnestly to assume their priestly prerogatives”,and (4) an “insistence on the primitive pattern that it is possible to personally experience God’s power through the work of the Holy Spirit” (Westin 12–15).
Noong ika-apat na siglo, ang Donatismo naman na isa ring sagot sa kamunduhan ng simbahan, ay isang “strong free church movement in North Africa”(Westin 22). Ang mga Donatista ay lubhang pinahahala-gahan ang pagkakaroon ng integridad sa pamumuhay at walang bahid na dangal ng kanilang mga clergymen. Dahil sila ay nasa labas ng early (4th century) church at kritical dito, ang mga Donatista ay malawakang tina-gurian na mga erehe.[9] Subalit sa isinulat ni Harold O.J. Brown, sinabi nya na “essentially the Donatists taught nothing heretical...but they refused to acknowledge the idea that the sanctity of the church lies in its integrity as an institution; they insisted that it had to lie in the spiritual excellence of its leaders” (Brown, Heresies, p. 199; also qtd. in Hanson 18).
Bago sumapit ang panahon ng Reformation, nakilala naman ang mga Waldensians[10] . Sila ay kabilang sa mga free church movements na kinilalang pinakamahusay sa pagkaka-organisa.[11] Pinanghawakan nila na ang Bibliya ang tanging “conclusive authority in faith and action for the Christian, and the Bible in the vernacular coupled with the interpretation of Bible doctrines is the greatest need”(Westin 19).
Sa Inglaterya, pinamunuan ni John Wycliffe[12] (ca.1328-84) ang free church movement na nakilala bilang Lollard movement o Lollardism. Ang mga Lollards ang nagpasimula ng katuruan tungkol sa “priesthood of all believers at ng pagkakaroon ng responsibilidad ng bawat Kristyano na ipalaganap ang katuruan ng Bibliya sa lahat ng tao sa lahat ng dako”(Westin 312;also qtd. in Hanson 19).
Sa Bohemya naman na sinundan ng Reformation, si John Huss[13] (ca. 1373 - 1415) na nakilala sa kaniyang martyrdom, ang naging bahagi ng pagsisimula ng Bohemian Brethren[14] , na pinagmulan naman ng Moravian movement[15] na kilala sa kanilang missionary zeal and vision. Katulad ng mga nabaggit na movements nakalinya rin dito ang United Brethren[16] sa pagkakaroon ng mga katangian na malugod ding niyayakap o parehong inaayawan ng EFCA ngayon. Walang higit na pinagkaiba ang mga Brethren sa kanilang pagkakakilala sa paniniwalang “The Christian congregation, as in the early church, should remain completely free in its relationship with the state.” (Westin 38).
Mapapansin na laging may mga grupo ng mananampalataya na laging nagnais maging malaya at nakibaka sa kanilang pagkamit ng karapatang mamuhay ng may kalayaan. Marami rin ang nagdusa sa ganitong panini-wala, minsan ay nagbuwis pa ng buhay. Subalit walang panahon na ang konsepto ng free church ay tinanggap kailanman ng church establishment (Hanson 19).
Sa puntong ito ay nahahayag na kung gaano talaga kayaman sa kasaysayan ang ugat ng lahi ng EFC. Kasaysayang puno ng pagtitiis at pakikibaka ang ipinamana sa atin. Nararapat lang na patuloy nating yakapin at ihayag hanggang sa ngayon ang esensiya at damdamin ng pagiging free church, para sa ikaluluwalhati ng Panginoong Hesus dahil sa kanyang kada-kilaan at katapatan sa pangangalaga ng kanyang malayang Simbahan.
Ang Lugar ng Reformation sa Pagpapalaganap ng Free Church Movements
baguhin(Pangalawang Bahagi)
Ang pagsiklab sa Alemanya ng Reformation noong 1517[17] ay nag-dala ng pag-asa sa mga free church believers na matamo ang ina-asam nilang tunay na kalayaan sa paghayag ng kanilang pananam-palataya. Ang pagkakalaya mula sa dominasyon ng papa ng Ro-mano Katoliko sa Alemanya ay nagbunga ng pangmalawakang ka-galakan sa mga free church movements.
Mula sa madilim na panahong kinasadlakan sa dusa ng tunay na Simbahan, ang Katawan ni Kristo, sumabog ang liwanag mula sa katuruang ipinalaganap ng tatlong rebolusyonaryo ng Reformation—si Luther, Calvin at Zwingli. Ang bitbit na katuruan ng mga Reformers—ang Sola Scriptura, Sola Gratia, at Sola Fides—ang nagdulot ng lubos na paniniwalang wasak na ang pagkakaisa ng Simbahang Katoliko at ng Estado; dumating na ang araw ng kalayaan para sa lahat ng free church believers.
Ngunit hindi nagtagal, lumitaw ang pagka-dismaya ng mga free-minded people laban sa mga Reformers—hindi dahil sa kanilang ginawa kundi dahil sa kanilang ayaw pang gawin. Ang masaklap na pagkakamali ng Reformation—mula sa pananaw ng mga free church movements—ay hindi nito ibinasura o tinuligsa ang konsepto ng pagkakaroon ng territorial state o State Church. Marami sa mga free churches ang mainit na yumakap sa mga gawain nila Luther, Zwingli, at Calvin, upang malaman lang sa huli na wala palang balak pagbigyan ng mga Reformers na magkaroon ng kalayaan ang mga mananampalataya na magsamasama ayon sa kagustuhan nila.
Ang free church movements ay naniniwalang dapat humiwalay ang Estado sa Simbahan. Ngunit ang mga Reformers ay naging mas maimpluwensiyado sa pagtataguyod na dapat pag-iisahin ang Estado at ang Simbahan. Kayat gulong malaki muli ang kinaharap ng mga free church movements. Binansagang mga “radicals” ang tumutol sa mga Reformers. At may mga maliliit na ibang grupong free churches na kalat sa buong Europa (pinaka-unang grupo ang mga nasa Switzerland) ang pinagtutugis ng galit ng mga Reformers. Ang tawag na “Anabaptists,” isang termino ng pagtutuya, ang ginamit ng mga Reformers sa mga taong kabilang ng free church movements. Kayat pati na ang mga grupong gaya ng mga Hutterites at Mennonites sa ibat-ibang dako ng Europa, ay nagdusa sa kamay ng mga inakala nilang tatanggap sa kanila bilang kapatid kay Kristo.
Sa pananaw ng mga free churches, hindi natapos ang layunin ng Reformation. Ninais kumpletohin ng mga free churches ang ispiritu ng Reformation. Kaya sa Inglatera, ang mga Nonconformist[18] Puritans, Anabaptists, at iba pang uri ng Congregationalists ang nagpatuloy sa kanilang krusada at sa paniniwalang ang tunay na mananampalataya lamang ang kailangan sa Simbahan at hindi dapat sumailalim ang Simbahan sa kontrol ng Estado. (Hanson, 1990:20-24; Westin, 1958:17)
Malinaw na makikitang ang mga free church movements na ugat ng Evangelical Free Church ay nagprotesta sa isang Iglesyang Pro-testante na nagtamo ng kapangyarihan subalit nawalan ng espirit-wal na lakas.
Ang Reformation ang nagtulak sa mga free churches na repormahin ang mismong Reformation. Ang Reformation ang nagbunga ng ibayong paglilinaw sa isip ng mga free churches kung ano talaga ang ibig sabihin ng pagiging malaya. Sa ganitong bagay lang masasabi na nagkaroon ng lugar ang Reformation sa pagpapalaganap ng free church movements.
Ang Ugnayan ng Scandinavian Free Church Movements sa Evangelical Free Church of America
baguhin(Pangatlong Bahagi)
Sa bandang Timog Europa—sa may tinatawag na Scandinavia—duon nagmula ang mga lahing ugat ng EFCA. Mapapansin sa kasaysayan ang paggalaw ng politika sa Denmark, Sweden at Norway—mga bansang bahagi ng Scandinavia. Ang Denmark ang unang naging bansa (1014) at may isang kaharian na kung saan pagsapit ng 1397 ang Sweden at Norway ay pinag-isa at napabilang sa kanyang nasasakupan.[19] Subalit naging dominante sa politika at naging independente naman ang Sweden noong 1523[20] kung kayat palipat-lipat ang kontrol ng politika sa Scandinavia sa pagitan ng Denmark at Sweden. Pagkatapos ng Napoleonic Wars[21] noong 1815, napilitan ang Denmark na ibigay ang Norway sa Sweden[22] ; ang Norway naman ay natamo ang kalayaan mula sa Sweden noong lang 1905.
Pagkatapos na mahiwalay sa Denmark, mabilis na niyakap ng Sweden ang Reformation at ginawang state church ang Lutheranism noong 1527.[23] Ang Swedish Lutheranism na ito ay na-ging makapangyarihan din ngunit nawalan ng saysay para sa pamumuhay ng tama ng mga tao. Kayat ang mga hamon para sa pagkakaroon ng revival sa Sweden ay isinagawa ng ilan mismomg Luteranong pari. Isa na rito si Daniel Anader na humatak sa kanyang mga kapwa kaparian na makilala ang dulot na kaligtasan ni Hesus. Subalit sa kanyang pagsusumikap, si Anader ay itinapon sa kulungan at duon na naubos ang huling sampung taon ng kanyang buhay.
Damang-dama ng mga ilan pang mananampalataya ang tensiyon sa pagkawala ng buhay ng state church sa Sweden. Kung kayat sa pagbubukas ng University of Halle sa Alemanya noong 1893, may labintatlong Swedish at Finnish na mag-aral ang nagtungo roon. Sila ay kabilang sa mga taong nagkaroon ng “reaction to the barren Lutheran orthodoxy”(Norton 1959:17). Kaya inalam nila kung paano maituturo ang isang maka-Kristong pamumuhay. Sila ay mga mag-aaral na tinaguriang mga “pietists.”[24] Sila ang mga nag-pasiklab ng spiritual renewal sa Sweden sa pagsisimula ng home Bible studies, prayer, and mission meetings. Subalit noong 1726, sa pamamagitan ng Conventicles Law na ipinasa ng Swedish Par-liament, ipinagbawal sa Sweden ang mga free church movements sa mga kabahayan.
Sumunod ang siyam na taon, noong 1735, si Count Nicholas Von Zinzendorf, na nagtatag ng Moravian Movement, ay nagpangaral at nagpasiklab ng revival sa buong Sweden hanggang siya ay naaresto at ipinatapon sa labas ng bansa.
(Tatlong daang taon makalipas ang Reformation, ang Protestantism ay naging matamlay. Si Robert Haldane (1758–1851)[25] na kinikila-lang ama ng free church ang nagpasimula ng revival sa Geneva na umagos naman sa ibat-ibang lugar—kasama na ang Scandinavia.)
Sumapit ang 1830, ang Methodism ay nakiisa rin sa pietism at sa mga Moravians bilang isang revival force sa Sweden sa pamama-gitan naman ng mga pagpapahayag ni George Scott. Si Scott na isang British Methodist ay pasimpleng nagtungo sa Sweden upang magpastor sa Stockholm. Subalit daan-daang tao ang mga naligtas sa kanyang pagtuturo hanggang siya ay pwersahang pinalayas noong 1842. Noong mga panahong iyon, ganumpaman, naitatag pa rin ni Scott ang Bethlehem Church na kauna-unahang gusaling free church o simbahan na hindi pag-aari ng estado sa Lutheran Sweden. Si Scott ang nagsimula rin ng babasahing, Pietisten (The Pietist). At Si C.O. Rosenius naman ang nagpatuloy noong 1842 (pagkatapos ng pagpapaalis kay Scott) sa pag-aasikaso ng pag-papalimbag ng Pietisten. At sa pamamagitan ng koreo nakarating ang mga babasahin sa mga libu-libong pang mga Swedish emigrants sa Amerika. Ang Pietisten ang isa sa mga pinakama-impluwensiyang babasahin na pinagmulan ng Free Church spirit at nagbigay ng isang sense of identity noong mga mahahalagang dekada sa pagsisimula ng EFCA.
Sa Norway naman, naging mga Lutherans din ang mga Norwegians sapagkat nasa ailalim sila ng Lutheran Sweden. Ang Norway, bago pa humiwalay sa Sweden ay mayroon ng sariling parlamento, ang Norwegian Parliament—na sumusog din ng kanilang sariling Con-venticles Law noong 1746 upang supilin sa Norway ang mga free church movements. Subalit sa lumalalim na nasyonalismo ng mga Norwegians, ang State Lutheranism na imposed ng Sweden ay hindi gaanong kinatakutan. Noong 1845, pinayagang maging legal sa Norway ang mga dissenter churches. Makalipas pa ang walong taon noong 1853, ang unang “Inner Mission Society” ay naitatag ni Gustaf Lammers sa Skien, Norway. Ito ay nagbunga noong 1856 ng pagkakatatag ng Free Apostolic Christian Church of Skien na naging tanda ng unang paghihiwalay mula sa state church ng Norway.
Nagkaroon ng impact sa Norwegian Lutherans ang marami pang sumunod na revival ng mga free churches sa Norway. At isang converted Lutheran priest, si Paul Wettergren, ang nagpasimula ng Lutheran Free Church Society noong 1875, na lumago bilang Evangelical Lutheran Free Church of Norway.
Sa mismong Denmark naman, noong 1884, ang revival ay pinasiklab naman nila Fredrik Franson (1852–1908), isang Swede na kilalang napabilang sa samahan ni D.L. Moody sa Amerika. Ipinakulong si Franson at pagkatapos ay ipinatapon sa labas ng Denmark. Ngunit nagpatuloy ang revival at naitatag ang pinaka-unang free church sa Denmark, ang Danish Mission Covenant. Si Jens Jensen-Maar ang naging kilalang nagtatag ng bagong deno-minasyon na ito na sinalihan pa ng ibat-ibang free churches sa Denmark. Inihayag ni Jensen-Maar ang prisipyong pag-isahin ang pwersa ng mga free churches sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo sa Denmark at sa ibayong dagat—kabilang ang mga Scandinavian immigrants sa kabila ng Atlantiko, ang Amerika.
Pagkatapos ng American Civil War, bumaha ang pagdating sa Amerika ng mga Scandinavian immigrants noong mga huling bahagi ng 19th century (subalit masasabing marami nang mga Scandina-vians ang nakarating sa Amerika noon pa mang bagong diskubre ang new world). Ang tagumpay sa pagkakakalag ng Amerika mula sa mga tanikala ng Europang kolonyalista ay nag-udyok sa mga Scandinavian free church movements na sa Amerika na lang pala-wigin ang kanilang kilusan—malayo sa pag-uusig ng mga Lutheranismo.
Dito sa puntong ito matutunghayang ang mga ibat-ibang paggalaw sa kasaysayan kung paano nagkaroon ng sangay na mga Swedish, Norwegian at Danish ang EFCA.
Matatandaan na ang ilan sa pinagmulan ng American Evangelical Free Church ay ang mga sumusunod: una, ang mga home gathe-rings ng mga mananampalataya upang basahin ang Bibliya at tumindig laban sa walang buhay na orthodoxy ng state Lutheran Churches; pangalawa, ang dulot na revival ng Pietist movement na sinimulan sa University of Halle na kumalat mula sa Scandinavia hanggang Amerika; pangatlo, ang apoy ng revival ng Moravian Brethren at mga Metodistang grupo sa mga parating na Scandina-vians sa America; at ang pang-apat, ang pampolitika-ekonomical-relihiyosong kalagayan sa Amerika na naghatak sa mga samut-saring Scandinavians upang lumipat sa Amerika (Scharf et al 1990:20).
Ang impluwensiya ng mga Pietistic at Herrnhutistic (Moravians) sa mga Scandinavians ay lumaganap sa Amerika. Maraming maliliit na grupo ng mga tinatawag na “Missions-foreninger”(Mission Societies) sa Amerika ang natatag. At ang mga Scandinavian mission societies na ito ang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng EFCA. At noong Oktubre 14–19, 1884 naganap sa Boone, Iowa ang founding conference para sa pagtatag ng The Evangelical Free Church of America (Norton 1959:75-82).
Sa kasalukuyan, isang hamon ng EFCA sa kalahatan ng EFC sa buong mundo ang umaako ng ganitong vision:
With a focus on glorifying God by multiplying healthy churches among all people, with the power of the Holy Spirit, we see the future of Evangelical Free Church of America movement in terms of growth, spiritual vitality, ministry impact and change: life by life, church by church, movement by movement. All to God's glory (Hamel 1999:9).
Sa pagtatapos, sa pagharap sa kinabukasan, hindi dapat kalimutan ng buong Kristyanismo sa mundo ang mga konsepto ng free church movements. Ang pagpapatuloy ng spirit of freedom sa kabuuan ng denominasyon ng Evangelical Free Church ay dapat manatiling malakas na tinig ng pagsulong sa kinabukasan. Nakatuon na sa makabagong pakikibaka ang EFC: hindi na ang pagpupumiglas sa mga estadong simbahan, kundi sa patuloy na pagpapalaganap ng malusog na free churches sa ibat-ibang bansa ng mundo na patuloy na naninindigang si Kristo lamang ang dapat naghahari sa Kanyang Simbahan—noon, ngayon at magpakailan pa man.
Mga sanggunian at mga talababa
baguhin- ↑ Noong 12 Hunyo 1966 (kasabay ng selebrasyon ng Philippine Independence Day) naitalaga ang araw ng pagkakatatag ng EFCP. Para sa ilang detalye tingnan ang EFCP Anniversary Journal, EFCP From 1966 to 1996: Thirty Years of Ministry Blessings, p.13.
- ↑ Sa aking naging obserbasyon at pakikipanayam sa mga probinsiya, mas kilala ang lokal na denominasyon sa tawag na “EvanFree” sa bandang Visayas--partikular sa Cebu na kung saan naka-base ang headquarters ng EFCP; at sa kamaynilaan naman ay mas tinatangkilikik ng mga kaanib sa denominasyon ang pagiging bahagi ng “EFC” o kaya ay isang “ Free Church”.
- ↑ Ito ay isang personal “rough estimate” lamang. Ipinadadama lang sa bahaging ito na nasa early development stage of church growth pa rin ang karamihan ng EFCP churches. Sa aking palagay, ang mga Free Churches ay maliliit na kongregasyon lamang ngunit, sa biyaya ng Dios, unti-unting umuusbong at dumarami.
- ↑ Mapapakinggan ang programang ito sa 702 Khz DZAS-Am (FEBC) tuwing 8:30 ng gabi--Lunes hanggang Biyernes.
- ↑ Bagamat retirado na sa pagpapastor ng First Evangelical Free Church of Fullerton, ay aktibo pa rin sa kasalukuyan sa paglilingkod bilang presidente ng Dallas Theological Seminary; at sa kabila ng katandaan ay masigasig pa rin sa pagsusulat ng mahuhusay na libro.
- ↑ Si Rev. & Mrs. Lincoln Clubine, isang amerikanong beterano ng World War 2, ang unang misyonerong ipinadala ng EFCM noong 1951 upang mag-“churchplant” habang nagtuturo sa Far Eastern Bible Institute and Seminary --FEBIAS . EFCP Anniversary Journal, p. 9.
- ↑ i.e., historical records.
- ↑ Noong 1984 naganap ang centennial birthday ng EFCA--ito ay panandaliang nabanggit ni Hanson, What It Means to be Free, Introduction.
- ↑ Sa mga sumunod na siglo, dahil sa kanilang “concern for a holy lifestyle, a pure church, and acknowledgement of no other authority other than that the Lord Jesus and the Word of God,” isa sa mga insultong ibinato sa mga tao ng free church ay ang pagiging “donatists”. Hanson, 18.
- ↑ Sila ay nakilala noong mga huling bahagi ng ika-12 siglo. Si Peter Waldo, na isang mayamang negosyante ngunit inialay ang lahat ng kanyang ari-arian sa pagpapangaral ng Ebanghelyo ang ugat ng mga Waldensians. Cairns, Christianity through the Centuries, 227
- ↑ Matatagurian na ang pre-Reformation period ang panahon ng pagtatamo ng zenith of political power sa medieval world ng Catholic Church, subalit ito rin ang panahon na kung saan ang papacy ay umaabot na sa kaniyang pinakamababang klase sa usaping ispiritwal at moral influence. Dito rin ang panahon na nagpakita ng kakaibang “lakas” ang free church movements na hindi pa napantayan sa mga nakalipas na siglo. Hanson, 18-19.
- ↑ Kilala sa kanyang paglikha ng translasyon ng Bagong Tipan sa Ingles noong 1382. Sa iilang detalye basahin si Cairns, Christianity through the Centuries, p. 252.
- ↑ Impluwensiyado ni Wycliffe. Cairns, 252.
- ↑ Si John Amos Comenius (1592 - 1670), nakilalang haligi ng mga Moravians ay isa sa mga Brethrens. Cairns, p.252.
- ↑ Matutuunan ng pansin na ang movement na ito ay nagkaroon ng malakas na impluwensiya sa State Church ng Scandinavia at kung kaya’t impluwensiyado rin indirectly sa EFCA. Hanson, What It Means, p.19.
- ↑ Isa sa mga grupo ng Taborites (mga radikal na tagapagtaguyod ng katuruan ni Hus) ang nagpasimula nito noong 1450. Cairns, p.252.
- ↑ Apat na taon bago nakarating si Magellan sa Cebu at diniskubre ang Pilipinas.
- ↑ In England and Wales, Nonconformists are Protestants (Presbyterians, Methodists, Baptists, Congregationalists, Quakers, and others; see Protestantism) who do not belong (conform) to the established Church of England. The term originated in the 17th century, when it was used alternately with "Dissenters." Today Nonconformists are also called Free Churchmen. Groliers Encyclopedia, 1998 CD ed., s.v. “Nonconformists.”
- ↑ In 1397, after three centuries of internal struggles in Sweden, the Danish queen Margaret I united Denmark, Sweden, and Norway in the Kalmar Union. See Groliers Encyclopedia1998 CD ed. , s.v. “Sweden.”
- ↑ The Period of Union [in Denmark] lasted to 1523 when, as opposition to the continuing aggression of Denmark and the Hanseatic League mounted in Sweden, Gustav Vasa used the murder of Swedish leaders in the so-called Bloodbath of Stockholm (1520) to lead a revolt against Denmark. Groliers, s.v. “Sweden.”
- ↑ Ang Napoleonic Wars ay ang mga giyerang kinasangkutan ng Pransiya at ng ibat-ibang samahan ng mga bansang Europa mula noong 1813 hanggang 1815. Sila ay direktang karugtong ng mga French Revolutionary Wars (1792–1802). Groliers Encyclopedia1998 CD edition, s.v. “Napoleonic Wars,”
- ↑ In 1814, Denmark, which had sided with Napoleonic France after British attacks on Copenhagen in 1801 and 1807, was forced to cede Norway to Sweden ... Silipin ang Groliers Encyclopedia, ,s.v. “Denmark.”
- ↑ Si Gustav I Vasa (1523–60), na nagkamit ng kasarinlan para sa Sweden ang nagsagawa ng pagpapakilala ng Lutheranism upang gawin itong Sweden's national religion. Silipin ang Groliers Encyclopedia, s.v. “Sweden.”
- ↑ Ang Pietist movement na nagdala ng revival sa Church in Germany...ay naging mahalagang bagay sa pagdadala rin ng renewal sa Church in Sweden . Basahin si Hanson, What It Means, 34.
- ↑ Para sa karagdagang detalye, basahin ang buhay ni Haldane sa Hanson, pp. 26-27.
Talaan ng mga Babasahing Pinagkunan (bibliyograpiya)
baguhinCairns, Earl E. 1981. Christianity through the Centuries: A History of the Christian Church. Grand Rapids, Michigan: Zondervan Corporation.
Daquis, Hero. 2003. Church and Community Development: Unleashing the Virus of Simple Churches in Shaping Communities. Manila: ImagoDei Publications
Evangelical Free Church of America. 1990. A Living Legacy: Essays on the the Evangelical Free Church Movement—Past, Present and Future, compiled by the Spiritual Heritage Committee. Minneapolis: Free Church Publications.
Evangelical Free Church of the Philippines. 1996. EFCP from 1966 to 1996: Thirty Years of Ministry Blessings, an anniversary journal edited by the EFCP Editorial Staff. Cebu: EFCP.
EFCP pamphlet. no date of publ. Ano Ba ang Evangelical Free Church? Cebu:EFCP.
Gunnar, Westin. 1958. The Free Church Through the Ages. Translated from the Swedish by Virgil A. Olson. Tennessee: Broadman Press.
Groliers Encyclopedia. 1998 CD edition. s.v. “Nonconformists.”
Hanson, Calvin B. 1990. What It Means to be Free: A History of the Evangelical Free Church of America. Minneapolis: Free Church Publications.
Norton, H. Wilbert.1964. European Background and History of Evangelical Free Church Foreign Missions 1887-1955. Illinois: Christian Service Foundation.
Norton, H. Wilbert. 1959. European Background and History of Evangelical Free Church Missions. Moline, Illinois: Christian Service Foundation
Olson, Arnold T.1961. This We Believe: The Background and Exposition of the Doctrinal Statement of the Evangelical Free Church of America. With an Introduction by V. Raymond Edman. Minneapolis: Free Church Publications.
Westin, Gunnar. 1958. The Free Church Through the Ages. Tennessee: Broadman Press.