Palaging luntian

(Idinirekta mula sa Evergreen)

Sa botanika, ang isang halamang palaging luntian[1][2] (Ingles: evergreen; Lumang Tagalog: katakataká o siemprebibo[3]) ay isang halaman na palagiang may mga dahong luntian at gumagana sa lahat ng mga panapanahon. Kabaligaran ito ng mga halamang deciduous o naglalagas ng dahon, na nawawalan ng lahat ng mga yabong tuwing taglamig o tagtuyot (karamihan sa mga halaman ang nalalagasan ng mga dahon kapag panahon ng taglagas), dahil sa ang halamang palaging luntian ay palaging may mga dahon o nakapagpapanatili ng mga dahon kahit na tagyelo o tagniyebe.

Mga espesyeng palaging luntian

baguhin

Maraming iba't ibang uri ng mga halamang palaging luntian, parehong mga puno at palumpong. Ang katawagamg binomiyal na Latin, ang sempervirens, na nangangahulugang may likas na pagiging palaging luntian ng halaman, halimbawa:

Cupressus sempervirens (isang sipres)
Lonicera sempervirens (isang honeysuckle o niog-niogan)
Sequoia sempervirens (isang sikwoya)

Magkakaiba ang haba ng buhay ng dahon sa mga halamang palaging luntian mula sa ilang buwan hanggang sa ilang dekada (higit sa 30 taon sa Pinus longaeva o tinatawag sa Ingles na Great Basin bristlecone pine[4]).

Mga pamilyang palaging luntian

baguhin
Pamilya Halimbawa
Araucariaceae Agathis australis
Cupressaceae Sequoia sempervirens
Pinaceae Pino
Podocarpaceae Podocarpus latifolius
Taxaceae Taxus baccata
Cyatheaceae Cyathea cooperi
Aquifoliaceae Ilex aquifolium
Fagaceae Live oak
Oleaceae Fraxinus
Myrtaceae Eucalyptus
Arecaceae Niyog
Lauraceae Laurus nobilis
Magnoliaceae Magnolia grandiflora
Cycadaceae Cycas rumphii

Walang katulad ang Sciadopitys dahil mayroon sarili itong pamilya na ito lamang ang espesye.

Pagkakaiba sa pagitan ng palaging luntian sa naglalagas ng dahon na mga espesye

baguhin

Iba't iba ang saklaw ng mga palaging luntian at naglalagas ng dahon na espesye sa mga katanigang morpolohiko at pisiyolohiko. Sa pangkalahatan, may mas makapal na dahon ang mga espesyeng palaging luntian na malapad ang dahon kaysa mga espesyeng naglalagas na dahon, na may isang mas malaking bolyum ng parenkima at espasyo ng hangin bawat yunit ng sukat ng dahon.[5] Mayroon sa pangkalahatan ang mga palaging luntian ng isang mas malaking praksyon ng kabuuang biyomasa ng halaman na mayroon bilang mga dahon (LMF),[6] subalit kadalasan silang may mas mababang potosentesis.

Sa mga lugar kung saan may dahilan para maglagas ng dahon, halimbawa sa panahong malamig o tuyo, kadalasang isang adaptasyon ang mababang antas ng sustansya. Karagdagan dito, mayroon sila sa kadalasan ng matitigas na mga dahon at pinakamahusay ng pagtitipid ng tubig dahil sa kakaunting mapagkukunan sa lugar kung saan sila nakatanim.[7] Ang pinakamahusay na pagtitipid sa tubig sa loob ng mga espesyeng palaging luntian ay dahil sa mataas na kasaganaan kapag ikukumpura sa mga espesyeng naglalagas ng dahon.[7] Samantalang, nawawala ang sustansya ng mga punong naglalagas ng dahon kapag nawawala ang kanilang mga dahon.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Tablan, Andrea Amor (1961). Pilipino-English, English-Pilipino Dictionary for Students, Teachers, Laymen, Professionals, and Foreigners: Words and Terminologies that are Pure, Derived, Colloquial Or Slang (sa wikang Ingles). Washington Square Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Presidency, Tracy Y. Browning Second Counselor sa Primary General. "Tandaan, Tandaan". www.churchofjesuschrist.org. Nakuha noong 2024-01-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) - Isang halimbawa ng panitikan na ginamit ang katawagang "palaging luntian".
  3. "Event to Evermore: Tagalog-English Dictionary Online". TAGALOG LANG (sa wikang Ingles). 2009-04-03. Nakuha noong 2024-01-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Ewers, F. W. & Schmid, R. (1981). "Longevity of needle fascicles of Pinus longaeva (Bristlecone Pine) and other North American pines". Oecologia 51: 107–115 (sa Ingles)
  5. Villar, Rafael; Ruiz-Robleto, Jeannete; Ubera, José Luis; Poorter, Hendrik (Oktubre 2013). "Exploring variation in leaf mass per area (LMA) from leaf to cell: An anatomical analysis of 26 woody species". American Journal of Botany (sa wikang Ingles). 100 (10): 1969–1980. doi:10.3732/ajb.1200562. PMID 24107583.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Poorter, Hendrik; Jagodzinski, Andrzej M.; Ruiz-Peinado, Ricardo; Kuyah, Shem; Luo, Yunjian; Oleksyn, Jacek; Usoltsev, Vladimir A.; Buckley, Thomas N.; Reich, Peter B.; Sack, Lawren (2015). "How does biomass distribution change with size and differ among species? An analysis for 1200 plant species from five continents". New Phytologist (sa wikang Ingles). 208 (3): 736–749. doi:10.1111/nph.13571. PMC 5034769. PMID 26197869.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 Álvarez-Yépiz, Juan C.; Búrquez, Alberto; Martínez-Yrízar, Angelina; Teece, Mark; Yépez, Enrico A.; Dovciak, Martin (2017-02-01). "Resource partitioning by evergreen and deciduous species in a tropical dry forest". Oecologia (sa wikang Ingles). 183 (2): 607–618. Bibcode:2017Oecol.183..607A. doi:10.1007/s00442-016-3790-3. ISSN 1432-1939. PMID 27915413. S2CID 3798020. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-09-13. Nakuha noong 2021-02-16.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)