Ang Exsultet o Exultet, kilala rin bilang Ang Maringal na Pagpapahayag na Ngayo'y Pasko ng Pagkabuhay (Latin: Praeconium Paschale), ay isang mahabang awitin na inihahayag ang papuri ng Kristong Muling Nabuhay sa pamamagitan ng isang Kandilang Pampaskwa. Ito'y inaawit kalimitan ng isang diakono sa Bisperas ng Pasko ng Pagkabuhay sa Rito Romano ng Iglesia Katolika. Sa kasalukuyang Rito Romano, maaaring ang pari o isang mang-aawit ang maghahayag nito; kung sakaling isang mang-aawit ang maghahayag nito, hindi niya sasasabihin ang nauukol sa diakono. Ito'y inaaawit pagkaprusisyon ng Kandilang Pampaskwa at bago ang Pagpapahayag ng Salita ng Diyos.

Kasaysayan

baguhin

Sa aklat na "Orate Fratres" ni Dom Jerome Gassner, O.S.B., ipinaliliwanag niya kung paano nabuo ang awit na ito. Ayon sa kaniyang pananaliksik, ang Kandilang Pampaskwa na kaugnay ng Exultet ay nagmula sa pagkuha ng tradisyon sa mga Hudyo sa Lumang Tipan. Ang pagsisindi ng ilawan na ginagamit sa Sinagoga sa pagtatapos ng Sabbath at ang pag-aalay ng insenso na matatagpuan sa Exodo 27 at 30 ay ginamit ng mga unang Kristyano bilang hudyat naman sa kanilang pagsamba na si Kristo'y inihain bilang Kordero at muling mabubuhay sa ikatlong araw.[1]

Kaya't nagtanod ang mga sinaunang Kristyano para sa taunang paggunita ng Muling Pagkabuhay ni Kristo. Itinawag itong Lucenarium, kung saan salit-saling tradisyon mula sa Apostol ang pagsisindi ng maraming ilawan at pag-aawit ng mga Salmo na naghahayag ng mahusay na papuri sa Poon, tulad ng "Ito ang araw na ginawa ng Panginoon / magsaya tayo't magalak" (Ps 91)

Mula sa Lucenarium, umusbong ang dalawang natatanging pagdiriwang: ang Panalangin sa Takipsilim, at ang Pagbabasbas ng Kandilang Pampaskwa. Bagaman inalis ng sinaunang Simbaha ng Roma ang Lucenarium noong ikatlong siglo, may mga ilang simbahan sa labas ng Roma ang nagpanatili ng ganitong gawain tuwing Sabado Santo. Muling ipinakilala ang Lucenarium sa Simbahan ng Roma sa ikapitong siglo, bagaman iniuugnay kay Papa Sosimo (c. 417 AD) ito. Kaya't nang maiayos na ang gawi sa pagsamba sa Sabado de Gloria doon sa Roma, sinasabing sa ikalimang siglo ay nabuo na ang awit-papuring ito para sa Kandilang Pampaskwa. Matatgapuan ito sa mga Sakramentaryong Gallicano: sa Aklat ng Pagmimisa na gamit ng Abadia sa Bobbio sa Paris (ika-5 siglo), Aklat ng Pagmimisa na gamit ng Kaharian ng mga Goth (ika-8 siglo) at ang kaparehong Misal nito. Ngunit hindi matatgapuan ang Exsultet sa pinakamtatandang Sakramentaryong Gregoriano; isingit na lamang ang naturang awit bilang apendise, na maaaring iniutos ni Alcuin.

Sa labas naman ng Roma, ang paggamit ng Kandilang Pampaskwa ay isang matanda at iginagalang na nakagawian tulad ng sa Italya, Gaul, at Espanya; may patungkol na banggit din si San Agustin (batay sa kaniyang aklat na De Civitate Dei, kab. XV, blg. xxiii) na ginagamit ang naturang kandila sa Africa.[2]

Ang kaayusan ng awit

baguhin

Buhat noong 1955 (nang sumailalim sa rebisyon ang mga pagdiriwang sa Mahal na Araw), tampok na pamagat na sa Aklat ng Pagmimisa sa Roma ang tinatawag na Praeconium patungkol sa Exsultet.

Maihahanay ang awitin sa ganitong paraan:

  • Ang paunang pagpupuri sa nakapahalagang araw ng Muling Pagkabuhay ni Hesus;
  • Isang paanyaya ng diakono upang hingin ang pagbabasbas ng Diyos sa kandila;
  • Ang mala-prepasyong bungad upang mas maihayag ang pagkamaringal ng Bisperas, at;
  • Ang talagang Praeconium, na naglalaman ng mga pagtutulad sa Paskwa ng Lumang Tipan sa Bagong Tipan. Halimbawa dito ay ang pamosong O felix culpa, na ang ibig sabihi'y kinakailangan ang pagkakasala ni Adan upang lingapin muli ang sangkatauhan sa pamamagitan ng isang bagong Adan, si Hesukristo.

Ang balangkas ng awit

baguhin

Ang Exsultet sa Nakatatandang Uso ng Rito Romano (bago ang 1970)

baguhin

Kung walang diakono, ang hahalili sa kaniya ay ang pari na nagdiriwang. Sa gayon, isusuot ng pari ang puting dalmatiko at isasantabi muna niya ang kapa na kulay lila. Hindi ito maaaring gampanan ng hindi kasama sa orden.

Ang Exsultet sa Forma Extraordinaria ng Rito Romano
Balangkas sa wikang Tagalog[3] Balangkas sa wikang Latin[4]
Magalak kayong lahat na mga anghel sa kalangitan,

magdiwang ang mga misteryo ng Diyos.

Ipahayag ng mga matunog na trumpeta ang tagumpay ng dakilang Hari.


Matuwa naman ang lupa sa mga sinag na nagpapaningning sa kaniya:

at sa liwanag ng walang-hanggang Hari ay maramamdaman niya

ang pagkapawi ng dilim sa buong santinakpan.


Magalak din naman ang banal na Simbahang Ina natin,

na napapalamutian ng ninging ng ilaw na maliwanag:

at ang simbahang ito'y sumaya sa matutunog na tinig ng mga bayan.


Kaya mga kapatid kong minamahal,

na nakakakita ng kahanga-hangang liwanag nitong banal na ilaw,

pagkaisahan natin ang paghingi ng awa sa makapangyarihang Diyos.

Ako sana'y pagkalooban ng liwanag ng Kaniyang ilaw,

dahil niloob niyang ako'y mapabilang sa mga Levita,

bagaman 'di karapat-dapat,

nang matutuhan kong ihayag ang kaupurihan ng dakilang kandilang ito.

Alang-alang sa Anak Mo, si Hesukristong Panginoon namin,

siyang nabubuhay at naghaharing kasama Niya kasama ng Espiritu Santo,

magpasawalang-hanggan.

Bayan: Amen.  


V. Sumainyo ang Panginoon.

R. At sa iyong espiritu.

V. Itaas ang inyong puso at diwa.

R. Itinaas na namin sa Panginoon.

V. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.

R. Marapat at matuwid.


Tunay ngang marapat at matuwid,

na ipagbunyi nang buong lakas at pagmamahal

ang 'di-nakikitang Diyos, Amang makapangyarihan,

at ang kaniyang bugtong na Anak na si Hesukristong aming Panginoon.


Sa Amang walang hanggan, binayaran ni Kristo ang pagkakasala ni Adan,

at sa mahal niyang dugo ay pinawi ang hatol ng unang kasalanan.


Ito nga ang kasayahan ng Paskwa,

at sa kaniya'y iniaslay ang tunay na Kordero.

Sa kaniyang Dugo, naging banal ang tahanan ng mga binyagan.


Ito ang gabi, noong unang panahon,

inilabas mo sa Egipto ang mga anak ng Israel na aming mga ninuno,

at pinatawid mo silang 'di nababasa ang mga paa sa Dagat na Pula.


Ito ang gabi

na pinawi ang dilim ng kasalanan

sa bisa ng liwanag ng haliging apoy.


Ito ang gabi, na ang mga Kristyano sa sanlibutan

ay luminis mula sa mga kasalanan at naliligtas sa kasamaan,

nagtatamo ng grasya at kabanalan.


Ito ang gabi,

matapos malagot ang mga tanikala ng kamatayan

at matagumpay na muling na-buhay mula sa libingan.

Hindi natin mapakikinabangan ang pagpapanganak kay Hesus,

kung hindi niya tayo tinubos.


O kahanga-hanganga ng Iyong ibunuhos na awa sa amin!

O 'di-malirip na pag-ibig Mo sa amin!

Sa pagtubos sa alipin ay inialay mo ang iyong sariling Anak!


O tunay na kailangang kasalanan ni Adan,

na pinawi ng kamatayan ni Kristo!

O mapalad na kasalanan,

na marapat na magkaroon ng dakilang Manunubos!


O tunay na mapalad na gabi,

siyang marapat na makaalam ng panahon at oras

ng muling pagkabuhay ni Kristo mula sa libingan!


Ito nga ang gabing tungkol sa kaniya'y nasusulat:  

"At ang gabi'y liliwanag na parang umaga,

at ang gabi ay ilaw na nagniningning sa akin!"


Kaya't sa banal na gabing ito,

lumalayo ang kasamaan, nahuhugasan ang mga kasalanan,

naibabalik ang kabanalan sa mga makasalanan,

at nagagalak ang mga nalulumbay.


Nailalayo rin ang mga tampuhan,

naihahanda ang pagkakaisa ng kalooban

at sumusuko sa Diyos ang mga kaharian.


Sa kamahalan ng gabing ito,

tanggapin Mo, Amang banal,

ang inaalay naming mga insenso na ito,

na inihahandog sa Iyo ng banal na Simbahan

sa pamamagitan ng kaniyang mga alagad

sa maringal na pag-aalay nitong Cirio Pascual,

na gawa naman ng mga likha mong bubuyog.

Nakikilala namin ang karangalan ng haliging ito,

na sa kapurihan ng Diyos ay paniningasin ng ilaw na maliwanag.


Bagaman pinaghahati-hati ang apoy na ito,

hindi nababawasan ang liwanag.

Ang ilaw na ito'y nabubuhay sa natutunaw na pagkit,

na tinipon ng inang bubuyog,

upang maging buhay at maningning na liwanag.


O tunay na mapalad na gabi,

na nagpahirap sa mga taga-Egipto

at siyang nagpayaman sa mga Hebreo!

Ito ang gabi ng pagkakasundo ng langit at lupa,

at pinisan ang Diyos at tao.


Kaya hinihiling namin sa Iyo, Panginoon,

basbasan mo itong Cirio Pascual sa ikapupuri ng iyong ngalan.

Panatilihin mo itong nagniningas

upang mapawi ang karimlan ng gabing ito.


Tanggapin Mo siyang parang nakalulugod na pabango,

at mapisan sa mga tanglaw ng kalangitan.

Ang kaniyang ningas ay makita ng Tala sa Umaga na 'di kailanman lumulubog,

kundi Siya, na galing sa libingan ay sumikat na maliwanag sa sangkatauhan.


Kaya hinihiling din namin sa Iyo, Panginoon,

na kaming iyong mga lingkod, ang tanang kaparian,

ang nililiyag mong bayang banal,

sa pakikiisa namin sa mahal na Santo Papa N.,

at ang aming Obispo N.,

pagkalooban mo sana ng kapayapaan sa aming kapanahunan,

dito sa masayang panahon ng Paskwa,

at marapating alagaan kami sa Iyong tulong,

at ingatan at pamahalaan.


Sa pamamagitan pa rin ni Hesukristong Panginoon namin, na iyong Anak:

siyang nabubuhay at naghaharing kasama mo

at ng Espiritu Santo, Diyos,

magpasawalang-hanggan.

R. Amen.   

Exultet jam Angélica turba cœlórum:

exsúltent divína mystéria:

et pro tanti Regis victória tuba ínsonet salutáris.


Gáudeat et tellus tantis irradiáta fulgóribus:

et ætérni Regis splendóre illustráta,

totíus orbis se séntiat amisísse calíginem.


Lætétur et mater Ecclésia,

tanti lúminis adornáta fulgóribus:

et magnis populórum vócibus hæc aula resúltet.


Quaprópter astántes vos, fratres caríssimi,

ad tam miram hujus sancti lúminis claritátem,

una mecum, quæso, Dei omnipoténtis misericórdiam invocáte.

Ut, qui me non meis méritis intra Levitárum

númerum dignatus est aggregáre:

lúminis sui claritátem infúndens,

Cérei huius laudem implére perfíciat.

Per Dominum nostrum Jesum Christum, Fílium tuum:

qui cum eo vivit et regnat in unitáte Spíritus Sancti Deus:

Per omnia sǽcula sæculórum.

R. Amen.  

V. Dominus vobiscum.

R. Et cum spiritu tuo.  

V. Sursum corda.

R. Habemus ad Dominum.

V. Gratias agamus Domino Deo nostro.

R. Dignum et justum est.


Vere dignum et iustum est,

invisibilem Deum Patrem omnipoténtem Filiúmque ejus unigénitum,

Dominum nostrum Jesum Christum,

toto cordis ac mentis afféctu et vocis ministério personáre.


Qui pro nobis ætérno Patri Adæ débitum solvit:

et véteris piáculi cautiónem pio cruóre detérsit.


Hæc sunt enim festa paschália,

in quibus verus ille Agnus occíditur,

cujus sánguine postes fidelium consecrántur.


Hæc nox est, in qua primum patres nostros,

fílios Israël edúctos de Ægýpto,

Mare Rubrum sicco vestígio transire fecísti.


Hæc ígitur nox est,

quæ peccatórum ténebras

colúmnæ illuminatióne purgávit.


Hæc nox est,

quæ hódie per univérsum mundum in Christo credéntes,

a vítiis sǽculi et calígine peccatórum segregátos,

reddit grátiæ, sóciat sanctitáti.


Hæc nox est,

in qua, destrúctis vínculis mortis,

Christus ab ínferis victor ascéndit.

Nihil enim nobis nasci prófuit,

nisi rédimi profuísset.


O mira circa nos tuæ pietátis dignátio!

O inæstimábilis diléctio caritátis:

ut servum redimeres, Fílium tradidísti!


O certe necessárium Adæ peccátum,

quod Christi morte delétum est!

O felix culpa,

quæ talem ac tantum méruit habére Redemptórem!


O vere beáta nox,

quæ sola méruit scire tempus et horam,

in qua Christus ab ínferis resurréxit!


Hæc nox est, de qua scriptum est:

Et nox sicut dies illuminábitur:

Et nox illuminátio mea in delíciis meis.


Hujus ígitur sanctificátio noctis

fugat scélera, culpas lavat:

et reddit innocéntiam lapsis

et mæstis lætítiam.


Fugat ódia,

concórdiam parat

et curvat impéria.


In hujus ígitur noctis grátia,

súscipe, sancte Pater,

incénsi hujus sacrifícium vespertínum:

quod tibi in hac Cérei oblatióne sollémni,

per ministrórum manus de opéribus apum,

sacro sancta reddit Ecclésia.

Sed jam colúmnæ hujus præconia nóvimus,

quam in honórem Dei rútilans ignis accéndit.


Qui licet sit divísus in partes,

mutuáti tamen lúminis detriménta non novit.

Alitur enim liquántibus ceris,

quas in substántiam pretiósæ hujus lámpadis,

apis mater edúxit.


O vere beáta nox,

quæ exspoliávit Ægýptios,

ditávit Hebrǽos!

Nox, in qua terrénis cœléstia,

humánis divína jungúntur.


Orámus ergo te, Dómine:

ut Céreus iste in honórem tui nóminis consecrátus,

ad noctis hujus calíginem destruéndam,

indefíciens persevéret.


Et in odórem suavitátis accéptus,

supérnis lumináribus misceátur.

Flammas ejus lúcifer matutínus invéniat;

Ille, inquam, lúcifer, qui nescit occásum.

Ille, qui regréssus ab ínferis,

humáno géneri serénus illúxit.


Precámur ergo te, Dómine:

ut nos fámulos tuos, omnémque clerum,

et devotíssimum pópulum:

una cum beatíssimo Papa nostro N.,

et Antístite nostro N.,

quiéte témporum concéssa,

in his paschalibus gáudiis,

assídua protectióne régere,

gubernáre et conserváre digneris.


Per eúndem Dóminum nostrum Jesum Christum, Fílium tuum:

qui tecum vivit et regnat in unitáte

Spíritus Sancti Deus:

per ómnia sǽcula sæculórum.

R. Amen.

Panalangin para sa Emperador ng Banal na Imperyo ng Roma

baguhin

Hanggang sa taong 1955, ang Exsultet ay nagtatapos sa isang mahabang panalangin para sa Emperador ng Banal na Imperyo ng Roma:

Respice etiam ad devotissimum imperatorem nostrum [Nomen] cujus tu, Deus, desiderii vota praenoscens, ineffabili pietatis et misericordiae tuae munere, tranquillum perpetuae pacis accommoda, et coelestem victoriam cum omni populo suo.
Tunghayan Mo rin sana ang aming Emperador N., yamang kaniyang mga hangarin ay batid mo noon panguna, O Diyos: sa iyong 'di-malirip na kabutihang-loob at habag, ipagkaloob Mo sana sa kaniya ang kapayapaan at kaayusang matibay, pati ang makalangit na tagumpay kasama ng kaniyang mamamayan.

Tanging ang Emperador ng Banal na Imperyo ng Roma ang maaaring mabanggit sa panalangin na ito. Dahil nagbitiw sa tungkulin ang huling Emperador nito na si Fransico II ng Austria noong 1806, hindi na isinasama ang pagluhog na ito. Kaya't ipinalit dito ay ang panalangin para sa mga kasapi ng Simbahan.

Precamur ergo te, Domine: ut nos famulos tuos, omnemque clerum, et devotissimum populum: una cum beatissimo Papa nostro N. et Antistite nostro N. quiete temporum assidua protectione regere, gubernare, et conservare digneris.

Makalipas naman ang dekreto na Imperii Galliarum ni Papa Pio IX noong ika-10 ng Setyembre 1857, iniutos niya ang pagbabanggit ng ngalan ni Emperador Napoleon III ng Pransya mula 1858 hanggang 1870:

Precamur ergo te, Domine: ut nos famulos tuos, omnemque clerum, et devotissimum populum: una cum beatissimo Papa nostro N. et Antistite nostro N. necnon gloriosissimo Imperatore nostro N. quiete temporum assidua protectione regere, gubernare, et conservare digneris.

Noong 1955, inalis na ni Pio XII ang panalangin para sa Emperador at ipinalit dito ang isinamang pagluhog para sa mga umuugit sa pamahalaan:

Precamur ergo te, Domine: ut nos famulos tuos, omnemque clerum, et devotissimum populum: una cum beatissimo Papa nostro N. et Antistite nostro N. quiete temporum concessa, in his paschalibus gaudiis, assidua protectione regere, gubernare, et conservare digneris. Respice etiam ad eos, qui nos in potestate regunt, et, ineffabili pietatis et misericordiae tuae munere, dirige cogitationes eorum ad iustitiam et pacem, ut de terrena operositate ad caelestem patriam perveniant cum omni populo tuo.

Samantala, inalis naman na ito sa mga naging pagbabago sa liturhiya noong 1970, subalit nananatiling gamit ito sa Nakatatandang Uso ng Rito Romano.

Ang Exsultet sa kasalukuyang Rito Romano (post-1970)

baguhin

Ayon sa Ikatlong Siping Huwaran ng Aklat ng Pagmimisa sa Roma (2002) para pagdiriwang ng Bisperas na ito, kung walang diakono, ang hahalili sa kaniya ay ang pari na nagdiriwang o isang mang-aawit. Kung mang-aawit naman, lalaktawan niya ang mga katagang "Kaya mga minamahal na kapatid..." hanggang sa "Sumainyo ang Panginoon." Hindio rin ibibigay ng pari ang pagbabasbas tulad nang sa diakono, o hihingi ng pagbabasbas mula sa pari. May mahaba at maiksing paraan ng pagpapahayag na pagpipilian.[5]

Ang Exsultet sa Forma Ordinaria ng Rito Romano
Balangkas sa wikang Tagalog (Maiksing Paraan)[6] Balangkas sa wikang Latin (Maiksing Paraan)[7]
Magsaya ang mga anghel sa kalangitan,

magdiwang ang mga nilikha ng Diyos.

Ang tagumpay ng dakilang Hari

sa trompeta ng kaligtasan ipagbunyi.


Magalak ang sangkalupaang nagniningning,

taglay ang liwanag ng Haring walang hanggan.

Tantuin sana ng sandaigdigan

napawi na ang karimlan.


Magsaya ang Iglesiang Ina natin,

sa kanya'y tumatanglaw liwanag na maningning.

Halina, tayo'y mag-awitan nang buong sigla,

sinakop ni Cristo ang tao sa sala.


V. Sumainyo ang Panginoon.

R. At sumaiyo rin.

V. Isipin ninyo at mahalin ang Dios.

R. Iniisip namin siya at minamahal.

V. Pasalamatan ang Panginoon nating Dios.

R. Marapat at matuwid.


Tunay ngang marapat at matuwid

na ipagbunyi ang buong lakas at pagmamahal ang di-nakikitang Dios,

Amang makapangyarihan,

at ang kanyang bugtong na Anak na si Jesucristong aming Panginoon.


Sa Amang walang hanggan binayaran ni Cristo ang pagkakasala ni Adan

at sa mahal niyang dugo ay pinawi ang unang kasalanan.

Ito nga ang kasayahan ng Paskuwa,

nang inialay ang tunay na Kordero.


Sa kanyang dugo ay naging banal

ang mga tahanan ng mga binyagan.

Sa gabing ito ay inilabas mo sa Egipto noong una

ang mga anak ng Israel na aming mga ninuno.

Pinatawid mo silang di nababasa ang mga paa sa Dagat na Pula.


Ito ang gabi na pinawi ang dilim ng kasalanan

sa bisa ng liwanag ng haliging apoy.


Ito ang gabi ng mga Cristiano sa sanlibutan

na luminis sa kasalanan at naliligtas sa kasamaan,

nagtatamo ng grasia at kabanalan.


Ito ang gabi na matapos malagot

ang mga tanikala ng kamatayan ay nagtagumpay si Cristo sa libingan.

O kahanga-hangang paglingap mo sa amin!


O 'di matingkalang pagsuyo at pag-ibig.

Sa pagtubos ay inialay ang iyong sariling Anak.


O kasalanan ni Adan na sadyang dumating

upang sa kamatayan ni Cristo ay pawiin.

O mapalad na sala, na nagkaroon ng dakilang Manunubos.


Sa kapangyarihan ng banal na gabing ito,

sinusugpo ang masama, linilinis ang makasalanan.

Nagbabalik ang kalinisan sa mga nagkakasala

at inaaliw ang mga nalulumbay.


O maligayang gabi! Pinagsasama mo ang langit at lupa,

pinapipisan mo ang Dios at ang tao.


Kaya't Banal na Ama, sa gabing ito,

tanggapin mo sana ang handog na papuri.

Ito ay iniaalay ng Santa Iglesia sa kamay ng kanyang mga alagad.


Kaya idinadalangin namin sa iyo, Panginoon,

na ang Ciriong ito na binabasbasan sa iyong karangalan

ay manatiling maliwanag upang pawiin ang dilim ng gabing ito.

Tanggapin ito bilang isang mahalimuyak na handog

at isama sa makalangit na liwanag.


Nawa'y laging magliliwanag na Tala sa umaga

na kailan man ay di nagdidilim.

Si Cristo ay Tala sa umaga,

na bumangon sa dilim ng libingan

at nagsasabog ng liwanag sa tanan.


Siya'y nabubuhay at naghaharing kasama Mo

at ng Espiritu Santo

magpasawalang-hanggan.

R. Amen.  

Exsultet iam angelica turba caelorum:

exsultent divina mysteria:

et pro tanti Regis victoria

tuba insonet salutaris.


Gaudeat et tellus tantis irradiata fulgoribus:

et, aeterni Regis splendore illustrata,

totius orbis se sentiat

amisisse caliginem.


Laetetur et mater Ecclesia,

tanti luminis adornata fulgoribus:

et magnis populorum vocibus

haec aula resultet.


V. Dominus vobiscum.

R. Et cum spiritu tuo.

V. Sursum corda.

R. Habemus ad Dominum.

V. Gratias agamus Damino Deo nostro.

R. Dignum et justum est.


Vere dignum et iustum est,

invisibilem Deum Patrem omnipotentem

Filiumque eius Unigenitum, Dominum nostrum Iesum Christum,

toto cordis ac mentis affectu

et vocis ministerio personare.


Qui pro nobis aeterno Patri Adae debitum solvit,

et veteris piaculi cautionem

pio cruore detersit.


Haec sunt enim festa paschalia,

in quibus verus ille Agnus occiditur,

cuius sanguine postes fidelium consecrantur.


Haec nox est,

in qua primum patres nostros, filios Israel

eductos de Aegypto,

Mare Rubrum sicco vestigio transire fecisti.


Haec igitur nox est,

quae peccatorum tenebras

columnae illuminatione purgavit.


Haec nox est,

quae hodie per universum mundum

in Christo credentes, a vitiis saeculi

et caligine peccatorum segregatos,

reddit gratiae, sociat sanctitati.


Haec nox est,

in qua, destructis vinculis mortis,

Christus ab inferis victor ascendit.


O mira circa nos tuae pietatis dignatio!

O inaestimabilis dilectio caritatis:

ut servum redimeres, Filium tradidisti!


O certe necessarium Adae peccatum,

quod Christi morte deletum est!

O felix culpa,

quae talem ac tantum meruit habere Redemptorem!


Huius igitur sanctificatio noctis

fugat scelera, culpas lavat:

et reddit innocentiam lapsis et maestis laetitiam.


O vere beata nox,

in qua terrenis caelestia,

humanis divina iunguntur!


In huius igitur noctis gratia, suscipe, sancte Pater,

laudis huius sacrificium vespertinum,

quod tibi in hac cerei oblatione sollemni,

per ministrorum manus de operibus apum,

sacrosancta reddit Ecclesia.


Oramus ergo te, Domine,

ut cereus iste in honorem

tui nominis consecratus,

ad noctis huius caliginem destruendam,

indeficiens perseveret.


Et in odorem suavitatis acceptus,

supernis luminaribus misceatur.

Flammas eius lucifer matutinus inveniat:

Ille, inquam, lucifer,

qui nescit occasum:

Christus Filius tuus,

qui, regressus ab inferis,

humano generi serenus illuxit,

et vivit et regnat in saecula saeculorum.

R. Amen.

Gamit sa Pilipinas
baguhin
Sa kasalukuyang gamit ng simbahan sa Pilipinas, ito ang natatanging pagsasalin na nasa Aklat ng Pagmimisa sa Roma (1981)[8]
Balangkas ng Exsultet sa Aklat ng Pagmimisa sa Roma para sa bansang Pilipinas (1981) Himig: Maligayang Araw
Mahabang Paraan Maiksing Paraan
Magalak kayong lahat sa kalangitan,

kayong mga anghel ay mangag-awitan!

Magalak kayong lahat na mapapalad na nilikha

na nakapaligid sa luklukang dakila.


1. Si Kristo na ating Hari ay nabuhay na mag-uli!

Hipan natin ang tambuli nitong ating kaligtasan!

Magalak, o sanlibutan, sa maningning nating ilaw!

Si Kristo na walang maliw ang pumaram sa dilim!


Tugon: Magalak nang lubos ang buong Sambayanan!

Sa kaluwalhatian lahat tayo’y magdiwang!

Sa ningning ni Hesukristo, sumagip sa sansinukob,

S’ya’y muling nabuhay, tunay na Manunubos!


2. Itaas sa kalangitan ating puso at isipan!

D’yos Ama’y pasalamatan sa Anak niyang nabuhay.

Sapagka't tapat s’yang tunay sa kanyang pananagutan

para sa kinabilangan niya na sambayanan!


Tugon: Magalak...


3. Ngayon nga ang kapistahan ni Hesukristong nag-alay

ng kanyang sariling buhay, nagtiis ng kamatayan.

Ang minanang kasalanan, ang dating kaalipina’y

sa tubig pawang naparam, kalayaa’y nakamtan!


Tugon: Magalak...


4. Ngayon nga ang pagdiriwang ng ating muling pagsilang

sa tubig ng kaligtasan na batis ng kabanalan,

pagka’t mula sa libingan bumangon na matagumpay

Mesiyas ng sanlibutan - si Hesus nating mahal!


Tugon: Magalak...


5. D’yos Ama ng sanlibutan, tunay na walang kapantay

pag-ibig mo’t katapatan para sa mga hinirang.

Handog mo’y kapatawaran sa lahat ng kasalanan.

Higit sa lahat mong alay - si Hesus naming mahal!


Tugon: Magalak...


6. Dahil sa kaligayahang sa ami’y nag-uumapaw

hain namin itong ilaw, sagisag ng Pagkabuhay.

Tunay na kaliwanagang hatid ni Hesus naTanglaw,

ang dilim ng kamatayan ay napawi’t naparam!


Tugon: Magalak...


7. Ang Araw ng Kaligtasan, si Hesus, bukang-liwayway,

walang maliw na patnubay sa landas ng kaligtasan,

hatid n’ya’y kapayapaan, lakas mo at pagmamahal

upang aming magampanan aming pananagutan!


Tugon: Magalak...

Magalak ngayo’t magdiwang,

mga anghel na kinapal,

lahat tayo’y mag-awitan:

Si Hesukristo’y nabuhay

S’ya’y ating kaliwanagan.


2. Tambuli ng kaligtasan

maghudyat ng kagalakan

magsaya ang sanlibutan.

Si Hesukristo’y nabuhay

S’ya’y ating kaliwanagan.


3. Hinirang na sambayanan

bumubuo ng Simbahan

magsaya sa kaningningan.

Si Hesukristo’y nabuhay

S’ya’y ating kaliwanagan.


4. Ang puso nati’t isipan

itaas sa kalangitan

ang Ama’y pasalamatan.

Si Hesukristo’y nabuhay

S’ya’y ating kaliwanagan.


5. Ngayon nga ang kapistahan

ng Panginoong namatay

ukol sa ‘ting kalayaan.

Si Hesukristo’y nabuhay

S’ya’y ating kaliwanagan.


6. Ngayon nga ang pagdiriwang

ng muli nating pagsilang

sa tubig ng kaligtasan.

Si Hesukristo’y nabuhay

S’ya’y ating kaliwanagan.


7. D’yos Ama ng sanlibutan,

pag-ibig mo’t katapatan

patawad sa ami’y bigay.

Si Hesukristo’y nabuhay

S’ya’y ating kaliwanagan.


8. Hain namin itong ilaw

sagisag ng matagumpay

na Anak mong minamahal.

Si Hesukristo’y nabuhay

S’ya’y ating kaliwanagan.

Mga Sanggunian

baguhin
  1. Orate Fratres, Dom Jerome Gassner, OSB. The Liturgical Press, Collegeville, Minnesota, Marso 23, 1947
  2. Exultet, Catholic Encyclopedia. (1909)
  3. Ang Pang-linggong Misal, Reb. Pd. Excelso P. Garcia, O.P., 1960.
  4. Missale Romanum / ex decreto Ss. Concilii Tridentini restitutum, (Summorum Pontificum cura recognitum). Editio typica 1920, 1962
  5. Ceremonies of the Modern Roman Rite, Msgr. Peter J. Elliot.
  6. Misal Romano, Msgr. Jose D. Abriol, PC. 1980
  7. Missale Romanum, ex decreto Sacrosancti Oecumenici Concilii Vaticani II instauratum auctoritate Pauli PP. VI promulgatum. Editio typica. Typis Polyglottis Vaticanis 1970; Editio typica altera 1975; Editio typica tertia (Ioannis Pauli PP. II cura recognitum) 2002.
  8. Aklat ng Pagmimisa sa Roma: ISINAAYOS SA PAHAYAG- KAUTUSAN NG KABANAL-BANALANG IKALAWANG PANDAIGDIG NA KAPULUNGAN NG MGA OBISPO SA VATICANO AT IPINALATHALA NG KAPANGYARIHAN NI PAPA PABLO VI, IKALAWANG HUWARANG SIPI. SALIN SA TAGALOG NG LUPON PARA SA WIKANG TAGALOG SA LITURHIYA, 1981