Si Fanny A. Garcia (ipinanganak noong Pebrero 26, 1949 sa Malabon, Rizal na ngayon ay Malabon City) ay siyang guro, manunulat, mananaliksik, editor, at tagapag- salin. Nagtapos siya sa University of the Philippines-Diliman. Siya ay nagwagi ng 2005 National Book Award para sa Autobiography ng Manila Critics Circle para sa librong Erick Slumbook: Paglalakbay Kasama ang Anak Kong Autistic (2004).

Si Fanny A. Garcia ay isa ring premyadong manunulat sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature sa mga kategoryang maikling kwento, sanaysay, iskrip, at kuwentong pambata. May labindalawa na siyang libro kasama na ang bersyong Ingles na "Journeys with My Autistic Son (2009)." Sa kasalukuyan (2012), nagtuturo siya sa De La Salle University-Manila at sa University of the Philippines-Diliman. Nakapagturo na rin siya noon sa Philippine Science High School.


Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.