Fausto Galauran
Nangangailangan pong patunayan ang nilalaman ng artikulo na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ng sanggunian. (Setyembre 2010)
Makakatulong po sa pagpapabuti nito ang pagdadagdag ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na maaaring balaan o maalis ang mga impormasyong walang sanggunian. |
Si Fausto J. Galauran (isinilang 13 Oktubre 1904) ay isa sa mga Pilipinong manunulat na may pinakamaraming nasulat na nobela. Isa siya sa mga batikang manunulat ng panitikan na inaanyayahan ni Severino Reyes para sumulat sa magasing Liwayway, noong panahong pinamamahalaan na ni Ramon Roces ang babasahin.[1] Bagama't tapos ng kursong panggagamot, nahilig siya sa gawaing pagsusulat. Naging kasapi siya ng samahan ng mga manunulat na Ilaw at Panitik at Akademya ng Wikang Pilipino.
Fausto Galauran | |
---|---|
Trabaho | manunulat |
Talambuhay
baguhinAng kanyang tunay na pangalan ay Fausto Jacinto Galauran at Sanchez. Ang Sanchez ay galing sa kanyang ina, Bonifacia Sanchez. Ang Jacinto ay ang tunay nilang apelyido. Ang Galauran ay likha lamang dahil sa panahon ng kagipitan. Nang lubhang mainit na ang pag-uusig sa dakilang bayaning si Emilio Jacinto, na nagtatago sa Balintawak, lahat ng may apelyidong Jacinto ay pinaghuhuli ng mga kastila, pinahirapan at pinatay. Ang mga nuno ni Dr. F.J. Galauran ay nagtungo sa Morong na noon ay siyang kabisera ng lalawigang Morong din (Ngayon ay Rizal) at nagsipagpalit ng apelyido. Minabuti nila ang pangalang Galauran na siyang ikabit sa kanilang pangalan. Buhat noon at hanggang sa kasalukuyang panahon, ang kanyang mga angkan ay gumamit ng J. Galauran sa kanilang apelyido. Siya’y ipinanganak sa Kalookan, lalawigan ng Rizal, noong 13 Oktubre 1904. Ikalima siyang anak ng mag-asawang Patricio J. Galauran at Bonifacia Sanchez, kapuwa namatay na. Nagsimula siya ng pag-aaral sa primarya ng Kalookan ay nagtapos sa Intermedia ng nasabing bayan na “May Karangalan”. Tinapos niya ang High School sa National University na may mataas na karangalan (with Highest Honors). Nakamit niya ang titulong Associate in Art in Medicine at Bachelor of Science sa Unibersidad ng Pilipinas, at ang titulong Doctor of Medicine sa paaralan ng panggagamot ng nasabing unibersidad. Nakalampas siyang maluwalhati sa pagsusulit sa pamahalaan nong 30 Mayo 1930 na pang-apat sa hanay ng sampung pinakamataas. Buhat noon, Si Dr. Galauran ay naging isang masipag na manggagamot sa mga pagamutan at lalung-lao na sa Kalookan. Lahat halos ng kababayan niya ay natingnan at nagamot sa mahabang panahon ng kanyang panggagamutan. Naging katulong na manggagamot siya sa Ospital Heneral, Chinese General Hospital, at St. Luke’s Hospital. Naging Pangulo siya ng mga Manggagamot sa lalawigan ng Rizal nang taong 1933, 1950 at 52. Naging Pangulo siya ng Samahan ng Mga Manggagamot sa Kalookan. Siya;y hinirang na unang tentienteng panglaan ng Hukbo ng Estados Unidos hanggang sa sumapit ang digmaan. Pagkatapos ng digmaan ay muli siyang kinuha at napabilang sa hukbo ng Estados Unidos upang itatag ang Kagawaran ng Panggagamutan ukol sa mga “Civilian” na kinalap ng 6th Army Corps, USA na inatasan ni McArthur upang buuin ang Manila Railroad Company. Hinirang siyang Chief of Medical Section, 748th Medical Batallion, USA sa ilalim ng 775th.Ry.Gnd.Dic VITH, ARMY Corps. si Doktor Galauran ay naging Medico Residente ng Manila Railroad Company. Nagsimula siya ng pagsulat sa gulang na 15 taon. Ang unang bunga ng kanyang panitik ay isang tula na lumabas sa “ANG MITHI” sa pamamatnugot ni Inigo Ed. Regalado. Ang tulang ANG BANDILANG PILIPINO” ay inilathala noong 1919 sa tanging pitak na pangalala sa kauna-unahang pagkakaloob ng kalayaan sa pagladlad n gating bandila. Sa simula na noon, siya ay nagsulat ng mga tula, maikling kuwento, tuluyan, daglian, na nalathala naman sa pang-Huebes ng Taliba, pangsabado ng Mithi, sa Ang Bansa, sa Philippine National Weekly. Sa pagsilang ng Liwayway ay kinuha siya ni Deogracias A. Rosario upang maging manunulat na walang sahod. Noong 1923, ang Liwayway na dati ay Photo News ay siyang unang naglathala sa kauna-unahang nobela niya na ÁT SA WAKAS” na inilathalang yugto-yugto. Simula noon si Doktor Galauran ay naging palagiang katulong na ng Liwayway. Siya ang kauna-unahang manunulat na ang lathala ay binayaran ng Liwayway. Sa Panitikan, si Dr. Galauran ay nagwagi ng animan na Unang Gantimpala sa tula, apat na Unang Gantimpla sa Tuluyan. Siya ang nagwagi sa Tuluyan sa Pambansang Tompalak Panitik ng taong 1937. Si Amado V. Hernandez ang nagwagi naman sa tula. Naging Pangulo siya ng Ilaw at Panitik Labing Dalawang Panitik, Blg. 8, naging “Corresponding Member” ng Surian ng Wikang Pambansa. Naging Patnugot ng Kagawaran ng Ksaysayan at Script ng X-Otic Films bago nagkadigma. Siya aay naging Puno ng Script and Story Department ng Sampaguita Pictures.
Mga akda at gantimpala
baguhin-Anak ng Kriminal
-Anak ng Panday
-Ang Anak sa Ligaw
-Ang Buhay ni Maria Magdalena
-Ang Hatol ng Langit
-Ang Igorota sa Baguio
-Ang Kaban ng Tipan
-Ang Maikling Kathang Tagalog
-Ang Monghita
-Ang Nobela, Radyo at Pelikula sa Wikang Pambansa
-Ang Rosario At Ang Tabak
-Ang Sakit ng Pilipinas
-Ang Tangi kong Pag-ibig
-Anino ng Kaluluwa
-At Sa Wakas
-Aurora o Sa Ngipin ng Panibugho
-Bakya Mo Neneng
-Bantayog sa Buhangin
-Bayani ng Buhay
-Bernardo Carpio
-Birheng Walang Damabana
-Bulaklak ng Bayan
-Bulaklak ng Luha
-Dahil Sa Iyo
-Dakilang Tungkulin
-Dalagang Pilipina
-Dilim at Liwanag
-Dugo sa Aking Kamay
-Hindi Kita Malimot
-Hiram na Kamay
-Hukom Roldan
-Iginuhit ng Tadhana
-Isang Dakot na Palay
-Isinakdal ko ang Aking Ama
-Kaban ng Tipan
-Kamay na Bakal
-Kasaysayan ni Rudy Concepcion
-Kay Ganda Mo Neneng
-Kung Lumimot Ka Man
-Lagablab ng Kabataan
-Lagrimas
-Ligaw na Bulaklak
-Lihim ng Kumpisalan
-Luha
-Maalaala Mo Kaya
-Mabangong Bulaklak
-Madame X
-Malubhang Sakit
-Masaklap na Tagumpay
-Matandang Dalaga
-Mga Anak ng Diyos
-Mga Kaluluwang Napaligaw
-Mga Ligaw na Bulaklak
-Nasa Puso Ang Pag-ibig
-Parusa ng Diyos
-Sa Harap ng Diyos
-Sariling Daigdig
-Sino Ang Maysala (Famas Award)
-Sugat ng Alaala
-Sumpa ng Diyos
-Tatlong Kasalanan
-Tatlong Mukha ng Buhay
-Tatlong Pako ni Jesus
-Tinik sa Ating Landas
-Villa Milagrosa
Sa pelikula
baguhinIlan ito sa mga katha ni Fausto Galauran na naisa-pelikula:[2]
- Sa Muling Pagkikita (1963)
- Anak, ang Iyong Ina! (1963)
- Isinakdal Ko ang Aking Ama (1960)
- Cicatriz (1959)
- Ako ang Maysala! (1958)
- Sino ang Maysala (1957)
- Lupang Kayumanggi (1955)
- Ang Tangi Kong Pag-ibig (1955)
- Madame X (1952)
- Mapuputing Lamay (1950)
- Biyak na Bato (1939)
Sanggunian
baguhin- ↑ "Faustino Galauran", kasaysayan ng magasing Liwayway, Komiklopedia, The Philippine Komiks Encyclopedia, Komiklopedia.wordpress.com, 2 Abril 2007
- ↑ Fausto J. Galauran, IMDb.com
Ang kanyang talambuhay ay isinulat ni Lope K. Santos at ang nasasaad sa pahinang ito ay hinango sa nasabing aklat. Ang ilan sa mga nasusulat ay ambag na nasipi ng kanyang mga ka-anak.
Panlabas na kawing
baguhin- Mga akda ni Fausto J. Galauran na naging pelikula, mula sa IMDb.com