Takot
Ang takot ay isang pang-emosyon na tugon sa mga banta at panganib. Ito ang pangunahing mekanismo sa pagkaligtas ng buhay na nagaganap bilang tugon sa partikular na estimulo, katulad ng sakit o ang banta ng sakit. Iminungkahi ng mga sikologong sina John B. Watson, Robert Plutchik, at Paul Ekman na isa ang takot sa isang pangkat ng mga pangunahin o likas na emosyon. Kabilang sa mga pangkat ng mga emosyong ito ang kaligayahan, kalungkutan at galit. Naiiba ang takot mula sa kaugnay na katayuang pang-emosyon ng pagkabahala, na karaniwang nangyayari na walang kahit anumang panlabas na panganib. Karagdagan pa nito, may kaugnayan ang takot sa mga partikular na ugali ng pagtakas at pag-iwas, datapuwa't ang pagkabahala ay resulta ng mga banta na nakikita bilang hindi maiwasan o hindi mapigilan. [1]
- Tungkol ang artikulong ito sa pangkalahatang kahulugan ng takot. Para sa matinding takot, tingnan ang Pobya.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Ohman, A. (2000). Fear and anxiety: Evolutionary, cognitive, and clinical perspectives. In M. Lewis & J. M. Haviland-Jones (Eds.). Handbook of emotions. (pp.573-593). New York: The Guilford Press.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Sikolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.