Felis silvestris lybica
Ang Aprikanong pusang ligaw o African wildcat (Felis silvestris lybica) ay isang subespesye ng pusang ligaw(wildcat) na matatagpuan sa buong hilagaang Aprika at hanggang sa Arabian Peninsula at Dagat Caspian. Ang Aprikanong pusang ligaw ay nag-diberhente mula sa ibang mga subespesye ng pusang ligaw mga 131,000 taon ang nakalilipas.[1] Ang ilang mga indibidwal na Aprikanong pusang ligaw ay unang dinomestika mga 10,000 taon ang nakaliipas sa Gitnang Silangan at pinagmulan o ninuno ng domestikadong pusa(o pusang pambahay). Ang mga labi ng mga domestikadong pusa ay isinama sa mga libingang pantao mga 9,500 taon ang nakalilipas sa Cyprus. [2][3]
African wildcat | |
---|---|
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Sari: | |
Espesye: | |
Subespesye: | F. s. lybica
|
Pangalang trinomial | |
Felis silvestris lybica (Forster), 1780
|
Pinagmulan
baguhinBatay sa mitokondriyal na DNA, ang mga domestiko at pusang ligaw mula sa Europa, Asya at Aprika Felis silvestris lybica ay humiwalay mula sa Europeong pusang ligaw mga 173,000 taon ang nakalilipas at mula sa subespesyeng Asya na F. s. ornata and F. s. cafra mga 131,000 taon ang nakalilipas. Noong mga 10,000 taon ang nakalilipas, ang ilang mga indibidwal na Felis silvestris lybica ay dinomestika sa Gitnang Silangan. Ang mga modernong domestikong pusa(pusang pambahay) ay nagmula sa hindi bababa sa limang mga Ebang mitokondriyal ng espesyeng ito. Walang ibang mga subespesye ng Felis silvestris ang nag-ambag sa domestikong breed at ang sariling mtDNA ng marami sa mga subespesyeng ito ay natabunan sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa mga pusang lagalag(feral cats). Ang mga lagalag na pusang ito ang inapo ng mga domestikadong pusang pambahay na bumalik sa kaparangan. [1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Driscoll, C. A.; Menotti-Raymond, M.; Roca, A. L.; Hupe, K.; Johnson, W. E.; Geffen, E.; Harley, E. H.; Delibes, M.; Pontier, D.; Kitchener, A. C.; Yamaguchi, N.; O'Brien, S. J.; Macdonald, D. W. (2007), "The near eastern origin of cat domestication", Science, 317: 519–523, doi:10.1126/science.1139518, PMID 17600185
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link). - ↑ Kingdon, J. (1988), East African Mammals: Carnivores, University of Chicago Press, ISBN 0-226-43721-3
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link). - ↑ Wade, N. (Hunyo 29, 2007), Study Traces Cat’s Ancestry to Middle East, New York Times, nakuha noong 19 Abr 2010
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link).