Fianarantsoa
Ang Fianarantsoa ay isang lungsod (commune urbaine) sa timog-gitnang Madagascar, at kabisera ito ng rehiyon ng Haute Matsiatra.
Fianarantsoa | ||
---|---|---|
Tanawin ng Fianarantsoa | ||
| ||
Kinaroroonan ng Fianarantsoa sa Madagascar | ||
Mga koordinado: 21°27′13″S 047°05′09″E / 21.45361°S 47.08583°E | ||
Bansa | Madagascar | |
Province | Lalawifan | |
Rehiyon | Haute Matsiatra | |
Distrito | Fianarantsoa | |
Itinatag | 1830 | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 86.05 km2 (33.22 milya kuwadrado) | |
Taas | 1,200 m (3,900 tal) | |
Populasyon (2013) | ||
• Kabuuan | 190,318 | |
• Kapal | 2,200/km2 (5,700/milya kuwadrado) | |
Sona ng oras | East African Time (GMT+3) | |
Klima | Cwb |
Ang pangalang Fianarantsoa ay nagngangahulugang "magandang edukasyon" sa Malgatse. Ito ang sentrong pangkalinangan at pangkaalaman para sa buong bansa. Tahanan ito ng ilan sa pinakalumang mga katedral na Protestante at Luteran sa pulo, sa pinakamatandang seminaryo sa teolohiya (sa Luteran din), gayon din sa Arkidiyosesis ng Fianarantsoa ng Simbahang Katolika Romana. Ang lungsod ng "magandang edukasyon" ay tahanan din ng pamantasang ipinangalan mula rito (ang Université de Fianarantsoa) at itinayo noong 1972. Dahil sa pagkanaririto ng maraming mga industriya ng alak sa lungsod, itinuturing ang Fianarantsoa bilang kabisera ng alak sa Madagascar.
Kasaysayan
baguhinItinayo ito ng Merina noong unang bahagi ng ika-19 na dantaon bilang pampangasiwaang kabisera para sa bagong-lupig na mga kahariang Betsileo.
Nakilala ang Fianarantsoa sa kilusang pampolitiko sa panahong kontemporaryo, at naging isa sa mga "magulong lugar" noong krisis pampolitika ng 2002. Kilala ang mga mag-aaral mula sa Unibersidad ng Fianarantsoa sa pakikipag-kaisa sa radikal na makakaliwang mga pangkat. Ang alkalde ng Fianarantsoa ay mula sa partidong pampolitika na MFM na nakabatay ang kanilang mga kulay sa watawat ng anarko-sindikalismo .
Inilagay ng Pondo para sa mga Monumento ng Daigdig ang Fianarantsoa sa talaan nito noong 2008 na 100 Pinakananganganib na mga Pook dahil karamihan sa mga gusali sa lumang bayan nito ay lubusang nangangailangan ng pagkukumpuni. Karamihan sa mga ikukumouni ay may pagka-dali, at inaasahan ng WMF na ang pagtatala ay makapagbibigay ng pansin sa pagpopondo ng kinakailangang mga pagkukumpuni upang mapanatili ang kagandahan ng lumang bayan.
Heograpiya
baguhinAng Fianarantsoa ay nasa katamtamang taas na 1,200 metro (3,900 talampakan), at may populasyon itong 190,318 katao (pagtataya noong 2013).[1]
Klima
baguhinIbinukod ng Köppen-Geiger climate classification system ang klima ng Fianarantsoa bilang subtropikal na paltok (Cwb).[2]
Datos ng klima para sa Fianarantsoa | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Katamtamang taas °S (°P) | 26.2 (79.2) |
26.1 (79) |
25.3 (77.5) |
24.5 (76.1) |
22.6 (72.7) |
20.4 (68.7) |
19.7 (67.5) |
20.4 (68.7) |
23.0 (73.4) |
25.0 (77) |
26.1 (79) |
26.3 (79.3) |
23.8 (74.8) |
Arawang tamtaman °S (°P) | 20.8 (69.4) |
20.8 (69.4) |
20.0 (68) |
18.9 (66) |
16.7 (62.1) |
14.5 (58.1) |
14.0 (57.2) |
14.4 (57.9) |
16.2 (61.2) |
18.3 (64.9) |
19.7 (67.5) |
20.4 (68.7) |
17.9 (64.2) |
Katamtamang baba °S (°P) | 17.2 (63) |
17.2 (63) |
16.5 (61.7) |
15.2 (59.4) |
12.7 (54.9) |
10.5 (50.9) |
10.1 (50.2) |
10.2 (50.4) |
11.2 (52.2) |
13.4 (56.1) |
15.3 (59.5) |
16.6 (61.9) |
13.8 (56.8) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 227.8 (8.969) |
220.8 (8.693) |
137.6 (5.417) |
46.4 (1.827) |
27.3 (1.075) |
16.5 (0.65) |
24.6 (0.969) |
21.4 (0.843) |
18.0 (0.709) |
61.5 (2.421) |
124.9 (4.917) |
241.4 (9.504) |
1,168.2 (45.992) |
Araw ng katamtamang presipitasyon (≥ 1.0 mm) | 15 | 14 | 13 | 7 | 5 | 5 | 6 | 6 | 3 | 6 | 11 | 16 | 107 |
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw | 191.1 | 171.0 | 175.4 | 184.8 | 186.0 | 165.9 | 163.5 | 191.1 | 220.5 | 230.4 | 208.0 | 190.1 | 2,277.8 |
Sanggunian: NOAA[3] |
Transportasyon
baguhinAng Fianarantsoa ay nasa dulo ng Daambakal ng Fianarantsoa-Côte Est. Mayroon din isang paliparan ang lungsod.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Institut National de la Statistique, Antananarivo.
- ↑ "Climate: Fianarantsoa - Climate graph, Temperature graph, Climate table". Climate-Data.org. Nakuha noong 2014-02-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Fianarantsoa Climate Normals 1961–1990". National Oceanic and Atmospheric Administration. Nakuha noong Marso 8, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
baguhinGabay panlakbay sa Fianarantsoa mula sa Wikivoyage