Trangkaso

(Idinirekta mula sa Flu)
Huwag itong ikalito sa impluwensiya.

Ang trangkaso, impluensa, impluwensa, o gripe[1] (Ingles: influenza, flu, grippe; Kastila: trancazo) ay isang uri ng karamdamang nakakahawa na may sintomas na lagnat, ubo, at sipon. Ang trangkaso ay isang uri ng pangkaraniwang sakit. Isa itong uring sakit na pana-panahon o nauuso ang paglitaw, na biglaan ang pagdating, partikular na tuwing panahon ng tag-ulan o taglamig. Bagaman nawawala nang kusa ang trangkaso, isa rin itong sakit na katindihan at paglala, at maaaring makapagdulot ng kamatayan.[2]

Mga sanhi

baguhin

Ang trangkaso ay dahil sa impeksiyong dulot ng birus.[2]

Mga sintomas

baguhin
 
Ang sintomas ng Trangkaso (influenza virus)

Lumilitaw ang mga sintomas ng trangkaso pagkalipas ng 1 hanggang 2 araw matapos na mahawahan ng sakit na ito. Karaniwang nakakaranas ang isang taong nadapuan ng trangkaso ng pagiging giniginaw (panginginaw), nilalagnat, panginginig at pananakit ng katawan, lalo na ng kalamnan at mga kasu-kasuan. Maaaring magkaroon din ng ubo at sipon, pagbabara ng ilong (baradong ilong), pagbabago sa panlasa, pananakit ng ulo, pagsusuka, pagtatae, pagkakaroon ng mga butlig sa balat. Mayroong mga sakit na parang mayroong mga sintomas na kagaya nang sa trangkaso, subalit maaaring sa katunayan ito ay ibang uri ng karamdaman, na katulad ng lagnat na Dengue at tipos, na siyang dahilan ng kahalagahan ng pagpapatingin sa manggagamot upang matiyak ang sakit na nararanasan.[2]

Pagkahawa

baguhin

Ang trangkaso ay nakakahawa dahil sa pakikisalamuha sa tao na mayroong sakit na ito, o kaya ay dahil sa paglanghap sa hangin na may dalang trangkaso. Madaling kumalat ang trangkaso sa mga lugar na maraming mga tao, katulad ng sa kalunsuran. Maaari itong maging isang epidemiko.[2]

Mga uri

baguhin

Kabilang sa mga uri ng trangkaso ang:

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. English, Leo James (1977). "Trangkaso". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 TRANGKASO (FLU): KAALAMAN, SANHI, SINTOMAS ([1]), KALUSUGAN PH