Telepono

(Idinirekta mula sa Fon)

Ang telepono ay isang aparatong pantelekomunikasyon na nagtatawid, hatid o tulay at tumatanggap ng tunog o ingay (na kadalasan ay boses at pananalita) galing sa dalawang magkalayong lugar o pinagmulan. Karamihan sa mga teleponong ito ay napapatakbo gamit ang mga elektronikong senyales.

Telepono ng Globelines® na may Caller ID.

Pagpapakilala

baguhin

Noon, ipinapalagay na ang salitang telepono ay pantukoy lamang sa mga landline phone. Sa kasalukuyan, may mga teleponong hindi na nangangailangan ng kordon gaya ng teleponong selular. Mayroon ding pinapatakbo ng bateryang selyular at enerhiyang solar.

May apat na pangunahing kaparaanan kung paanong ang senyales ng telepono ay naitatawid. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Sa pamamagitan ng tradisyunal na landline na gumagamit ng pisikal at nauukol na koneksiyon (nangangailangan ng kordon).
  • Radyoteleponiya o koneksiyong hindi na nangangailangan ng kordon: itinatawid nito ang mensahe, tunog o ingay sa pamamagitan ng analog o digital na senyales pang-radyo.
  • Teleponong satelayt na naguugnay ng ingay gamit ng satelayt na pantelekomunikasyon.
  • Teleponong Boses sa Ibabaw ng Protokolong Internet (VoIP): isang pamamaraan para sa pagpadala ng boses sa pamamagitan ng protokolong pang-Internet.

Ang pagkakaimbento ng telepono ay naiuugnay sa ibat ibang imbentor. Ang aktuwal na kasaysayan nito ay nababahiran ng samut-saring pagtatalo. Kabilang sa mga sinasabing nakaimbento nito ay si Antonio Meucci, Philip Reis, at Alexander Graham Bell.

Sa nakalipas na dantaon, sa halos lahat ng panig ng mundo maliban sa Italya, kinikilala si Bell bilang imbentor ng telepono. Gayunpaman, sa bisa ng isang resolusyon (Resolusyon ng Kapulungan Blg. 629) na inihain ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos, kinilala si Meucci bilang unang nakaimbento ng telepono. Nagmatigas naman ang Parlamento ng Canada na naghain ng panukalang batas na kikilala kay Alexander Graham Bell bilang kaisaisang imbentor nito.


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya at Komunikasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.