Fontana della Barcaccia
Ang Fontana della Barcaccia (Italian: [barˈkattʃa] ; Ang "Balong ng Bangka") ay isang estilong Barokong balong na matatagpuan sa paanan ng mga Hagdanang Espanyol sa Piazza di Spagna sa Roma (Piazza ng Espanya). Inatasan ni Papa Urbano VIII si Pietro Bernini noong 1623 na itayo ang balong bilang bahagi ng naunang proyekto ng Papa na magtayo ng isang balong sa bawat pangunahing piazza sa Roma. Ang bukal ay nakumpleto sa pagitan ng 1627 at 1629 ni Pietro na posibleng kasama ng tulong ng kaniyang anak na si Gian Lorenzo Bernini, lalo na nang mamatay ng kaniyang ama noong Agosto 29, 1629.
Ang eskultural na balong ay ginawang hugis ng isang kalahating nalubog na barko na may tubig na umaapaw sa mga tagiliran nito sa isang maliit na palanggana. Ang mapagkukunan ng tubig ay nagmula sa Acqua Vergine, isang akwedukto mula 19 BCE. Itinayo ni Bernini ang fountain na ito na mas mababa sa antas ng kalye dahil sa mababang presyon ng tubig mula sa akwedukto. Ang tubig ay dumadaloy mula sa pitong puntos ng fountain: ang sentrong balaustre; dalawa sa loob ng bangka mula sa hugis-araw na mga mukha ng tao; at apat sa labas ng bangka.
Ayon sa alamat, habang bumaha ang Ilog Tiber noong 1598, ang tubig ay nagdala ng isang maliit na bangka papunta sa Piazza di Spagna. Nang humupa ang tubig, isang bangka ang nalagak sa gitna ng plaza, at ang pangyayaring ito ang nagbigay-inspirasyon sa nilikha ni Bernini.[1] Ang balong ay pinalamutian ng eskudo ng pamilya ng papa na Barberini bilang paalala sa angkan ni Papa Urbano VIII.