Formspring
Ang Formspring (kilala dati sa URL na formspring.me) ay isang social website kung saan magtatanong at sasagot ang gumagamit nito na inilunsad noong Nobyembre 2009. Ang site ay nagbibigay-daan sa mga gumagamit nito na gumawa ng isang profile, sundan ang iba at magtanong mula sa iba pang mga gumagamit nito. Mailalathalata ang mga katanungan at ang kanilang mga ibinigay na sagot sa pahina ng profile ng gumagamit. Ito ay pinatatakbo ng Formspring.me, Inc., isang kompanya na nakatalaga sa San Francisco.
Ayon sa kagustuhan ng magtatanong, maaaring magtanong na hindi ipinapaalam ang pangalan o kaya naman ay magpakilala sa taong pinadalhan ng tanong mula sa isa pang Formspring account. Ang mga gumagamit ng Formspring ay maaaring tanggihan ang mga katanungan mula sa mga di kilalang tao at may kakayahan harangan ang mga piling tao upang humingi ng karagdagang katanungan.
Kasaysayan
baguhinAng Formspring ay inilunsad noong Nobyembre 2009 ng tagadisenyo ng online form builder Formstack bilang isang pang proyekto. Napansin nila na ang karamihan ng mga gumagamit ay ginagamit ang serbisyo upang lumikha ng "ask me anything", at nagpasya na maglunsad ng isang hiwalay na site para mapadali ito. Sa paglunsad nito, ang Formspring ay tinukoy sa buong URL nito, formspring.me, upang makilala ito mula sa Formstack, kung saan sa mga oras na iyon ay tinatawag din na Formspring.com. Ang Formspring.me ay nakakuha ng 1 milyong rehistradong taong gumagamit nito sa unang 45 araw nito, kaya ang orihinal na website na Formspring ay nag-iba ng pangalan upang maiwasan ang pagkalito sa pagitan ng dalawang site.
Ang Formspring ay madaling humiwalay ng kompanya at inilipat sa San Francisco, California. Dahil sa biglaang kasikatan nito, ilang website ang mabilis na nagpatupad ng parehong tampok na serbisyo nito, tulad ng Ask.fm, Tumblr, at ang serbisyong "Ask Me " ng MyYearbook. Noong ika-3 ng Hunyo 2010, ang Formspring ay naglunsad ng bagong disenyo at inayos ang bawat aspeto ng website.
Bilang tugon sa paglaki nito, ang Formspring ay nakatanggap ng 2.5 milyong dolyar na pondo mula sa isang malaking grupo ng mga mamumuhunan sa malaking samahan ng angel, kabilang ang SV Angel, Lowercase Capital, Kevin Rose, at Dave Morin. Noong Enero 2011, nakatanggap ng karagdagang 11.5 milyong dolyar na pondo mula sa Redpoint Ventures at Baseline Ventures. Noong ika-28 ng Hunyo 2011, inihayag ng Formspring na ang ika-25 milyong taong gumagamit nito ay naka-sign up na.
Mga Tampok
baguhinAng mga gumagamit ng site ay maaaring pribadong sundan ang mga iba. Habang naka-log in bilang isang rehistradong gumagamit, maaaring magtanong sa kanyang mga tagasunod mula sa homepage nito. Ang Formspring ay nagtatanong araw araw na may pangalang "Formspring Question of the Day" na makikita sa inbox ng gumagamit. Noong Enero 2011, ang Formspring ay nagdagdag ng isang “smile button” na katulad sa “like button” sa Facebook.
Noong Setyembre 2011, ang Formspring ay naglabas ng isang iPhone Application.
Kontrobersiya
baguhinAng Formspring ay nakatanggap ng ilang kontrobersiya, lalo na sa mga kabataan, sa pagpuna na ito ay nagbukas ng pinto para sa panliligalig at asar dahil sa pagkawala ng pagkakilanlan ng mga sinulat. Noong Pebrero 2010, isang away sa pagitan ng ilang mag-aaral sa isang paaralan sa Harrisburg, Pennsylvania high school, kung saan nagsimula sa Formspring ay nakatanggap ng ilang pansin mula sa media. Noong ika-12 ng Marso 2010, isang balita nang paninira ang nagsabi na ang mga tagalikha nito ay binalak na ipakita ang mga personal na impormasyon tungkol sa kanilang mga tagagamit at ikalat sa Twitter at iba pang social networking site. Ipinahayag ng Formspring sa blog ng kanyang kompanya na hindi nila ipapakita sa publiko ang mga impormasyon ng mga gumagamit nito. Noong ika-22 ng Marso 2010, isang 17-taon gulang na nagtapos sa West Islip, New York high school ay nagpakamatay pagkatapos ng dose-dosenang mga mapanlait na mga komento tungkol sa kanya na nailathala sa Formspring. Kinalaunan, ang mga lokal na mamamayan ay nagsulong na boykotin ang site na Formspring.
Bullying
Isang karagdagang pangyayari ng pagpapakamatay na di-umano'y nagsimula sa pamamagitan ng pananakot sa Formspring ay sinasabing dahilan ng pagkamatay ng 15-taon gulang na si Natasha MacBryde, mula sa Bromsgrove, Worcestershire, United Kingdom. Sinasabi ng Coroner’s Inquiry na siya ay nakatanggap ng isang walang pagkakakilanlan na personal na pang-aabuso sa pamamagitan ng website noong ika-13 ng Pebrero 2011. Ito ay lumalabas na bullying na nagtulak sa dalaga na magpakamatay. Si Natasha ay nagpakamatay noong ika-14 ng Pebrero 2011. Ayon sa Daily Telegraph: "Sinabi ni Det Sgt Shanie Erwin sa Inquest na nakakatanggap ng maikling mensahe si Natasha na naglalaman ng personal na pang-aabuso sa pamamagitan ng Formspring networking site noong ika-13 ng Pebrero. Ang mga mensahe na binasa sa hurado ni Det Sgt Erwin ay nang-uyam kay Natasha sa "pagtatago" niya sa likod ng make-up. Ito ay natapos dito: "Start acting nicer to people or you will lose everyone. Mark my words."
Isa pang insidente ng bullying na kinasangkutan ng di kilalang tao sa Formspring na nangyari noong Setyembre 2011. Isang labing-apat na taong gulang na mag-aaral, Jamey Rodemeyer, na nagmula sa Williamsville North High School ay nagpakamatay noong ika-18 ng Setyembre 2011 matapos ang paulit-ulit na mga pangyayari ng pang-aasar sa totoong buhay at sa Formspring. Ang video ni Rodemeyer na "It Gets Better" ay nagsasabi na ang Formspring ay nag-aambag sa anti-gay-bullying na nakakaapekto ng kanyang buhay.
Ang Formspring ay lumahok sa isang pagpupulong tungkol sa Bullying Prevention noong Marso 2011 sa White House kasama ang MTV, Facebook, Survey monkey at iba pa. Inihayag ng Formspring sa pagpupulong na makikipagtulungan sila sa The MIT Media Lab upang makabuo ng mga bagong pamamaraan upang makita ang mga online-bullying, at makalikha ng mga hangganan na makakatulong sa pagiwas dito o pagpahupa sa mga ito kapag ito ay nangyari.
Mga Kawing Panlabas
baguhinSanggunian
baguhin- ^ "Formspring.me Site Info". Alexa Internet. http://www.alexa.com/siteinfo/formspring.me Naka-arkibo 2013-06-11 sa Wayback Machine.. Retrieved 2011-11-02.
- ^ "Editor's Corner Ask Me Anything". Bcheights.com. 2010-02-21. http://www.bcheights.com/features/editor-s-corner-ask-me-anything-1.1167746Naka-arkibo 2012-04-05 sa Wayback Machine.. Retrieved 2010-11-06.
- ^ "Terms of Service." Formspring. Retrieved on June 7, 2011.
- ^ "Copyright Policy." Formspring. Retrieved on June 7, 2011. "c/o Formspring 182 Howard Street, PMB #531 San Francisco, CA 94105"
- ^ "Formspring.me: Overshare Without the Embarrassment". The Social Robot. 2010-02-28. http://thesocialrobot.com/2010/02/formspring-me-overshare-without-the-embarrassment/Naka-arkibo 2012-06-21 sa Wayback Machine.. Retrieved 2010-11-06.
- ^ Jason Kincaid Jan 4, 2010 (2010-01-04). "On Formspring.me, Anyone Can Ask You Anything. And You'll Love It". Techcrunch.com. http://techcrunch.com/2010/01/04/formspring-ask-me-anything/. Retrieved 2010-11-06.
- ^ "FormSpring.com changes name to eliminate confusion with social site | Indianapolis Business Journal". IBJ.com. 2010-03-27. http://www.ibj.com/formspringcom-changes-name-to-eliminate-confusion-with-social-site/PARAMS/article/18911. Retrieved 2010-11-06.
- ^ "About Formspring". about.formspring.me. 2010-10-19. http://about.formspring.me/press#faq Naka-arkibo 2012-06-22 sa Wayback Machine.. Retrieved 2010-11-07.
- ^ Jason Kincaid Jan 6, 2010 (2010-01-06). ""Inspired" By Formspring, Tumblr Launches Nearly Identical "Ask Me"". Techcrunch.com. http://techcrunch.com/2010/01/06/tumblr-formspring/. Retrieved 2010-11-06.
- ^ Watkins, Cap (2010-06-03). "Did Formspring get a facelift?". formspring.me blog. http://blog.formspring.me/2010/06/did-formspring-get-a-facelift/ Naka-arkibo 2012-03-27 sa Wayback Machine.. Retrieved 3 June 2010.
- ^ "Formspring". CrunchBase. http://www.crunchbase.com/company/formspring. Retrieved 18 August 2011.
- ^ O'Dell, Jolie. "Q&A App Formspring Hits 25 Million Users [INFOGRAPHIC"]. Mashable. http://mashable.com/2011/06/29/formspring-25-million-users/. Retrieved 18 August 2011.
- ^ "Formspring launches iPhone App". http://www.forbes.com/sites/tomiogeron/2011/09/13/formspring-launches-iphone-app-for-its-personal-q-and-a-service/.
- ^ "Formspring Sparks Curiosity, Caution - Entertainment". Media.www.uctangerine.com. 2010-02-26. http://media.www.uctangerine.com/media/storage/paper815/news/2010/02/26/Entertainment/Formspring.Sparks.Curiosity.Caution-3879960.shtml Naka-arkibo 2010-03-01 sa Wayback Machine.. Retrieved 2010-11-06.
- ^ Lewin, Tamar (May 5, 2010). "Teenage Insults, Scrawled on Web, Not on Walls". The New York Times. http://www.nytimes.com/2010/05/06/us/06formspring.html.
- ^ Owens, Dennis (February 19, 2010). "School Disputes Claims of Near-Riot". abc27 News. Archived from the original on 2010-06-11. https://web.archive.org/web/20100611235957/http://www.whtm.com/news/stories/0210/707982.html.
- ^ "Formspring prank story plagues Twitter". Inquisitr.com. 2010-03-12. http://www.inquisitr.com/66425/formspring-to-reveal-users-private-data/. Retrieved 2010-11-06.
- ^ "Can you tell me who asked me an anonymous question?". Formspring.me. 2010-08-10. http://blog.formspring.me/2010/08/can-you-tell-me-who-asked-me-an-anonymous-question/ Naka-arkibo 2012-03-27 sa Wayback Machine.. Retrieved 2010-12-14.
- ^ "Family, friends shocked at cyberposts after teen's death". Newsday.com. 2010-03-23. http://www.newsday.com/long-island/suffolk/family-friends-shocked-at-cyberposts-after-teen-s-death-1.1827393 Naka-arkibo 2012-10-14 sa Wayback Machine.. Retrieved 2010-11-06.
- ^ "Alexis Pilkington's friends vow to boycott social networking site". Newsday.com. 2010-03-24. http://www.newsday.com/long-island/suffolk/after-teen-s-death-3-800-pledge-web-site-boycott-1.1829354. Retrieved 2010-11-06.
- ^ "Teenager in rail suicide was sent abusive message on social networking site". Daily Telegraph. 2011-07-22. http://www.telegraph.co.uk/technology/social-media/8653867/Teenager-in-rail-suicide-was-sent-abusive-message-on-social-networking-site.html. Retrieved 2011-09-16.
- ^ "'Beautiful & talented' teenager took her own life - inquest". birminghammail.net. 2011-07-22. http://www.birminghammail.net/2011/07/22/beautiful-and-talented-teenager-took-her-own-life-inquest-97319-29097736 Naka-arkibo 2012-10-19 sa Wayback Machine.. Retrieved 2011-07-25.
- ^ "Teenager struggled with bullying before taking his life". Buffalo News. 2011-09-20. http://www.buffalonews.com/city/schools/article563538.ece?articleId=563538&pubDate=2011-09-20&order=T&page=3. Retrieved 2011-09-20.
- ^ "PRESIDENT AND FIRST LADY CALL FOR A UNITED EFFORT TO ADDRESS BULLYING". The White House. http://m.whitehouse.gov/the-press-office/2011/03/10/president-and-first-lady-call-united-effort-address-bullying Naka-arkibo 2011-08-20 sa Wayback Machine.. Retrieved 18 August 2011.
- ^ O'Dell, Jolie. "Formspring Takes a Stand Against Bullies — With Help From MIT". Mashable. http://mashable.com/2011/03/10/formspring-bullying/. Retrieved 18 August 2011.