Si François, Baron Englert (Pranses: [ɑ̃glɛʁ]; ipinanganak noong 6 Nobyembre 1932) ay isang pisikong teoretikal na Belgian na nagwagi ng Gantimpalang Nobel sa Pisika noong 2013 kasama ni Peter Higgs. Siya ay isang propesor emeritus sa Université libre de Bruxelles (ULB) kung saan siya kasapi ng Service de Physique Théorique. Siya ay isa ring Sackler Professor ayon sa Espesyal na Paghirang sa Paaralan ng Pisika at Astronomiya sa Tel Aviv University at isang kasapi ng Institute for Quantum Studies sa Chapman University sa California. Siya ay ginawaran ng 2010 J. J. Sakurai Prize for Theoretical Particle Physics (kasama nina Gerry Guralnik, C. R. Hagen, Tom Kibble, Peter Higgs, at Robert Brout), ang Wolf Prize in Physics noong 2004 (kasama nina Brout at Higgs) at ang High Energy and Particle Prize of the European Physical Society (kasama nina Brout at Higgs) noong 1997 para sa mekanismong nagsasama ng maikli at mahabang saklaw na mga interaksiyon sa pamamagitan ng paglikha ng may malaking masang mga gauge vector boson. Siya ay nag-ambag sa pisikang estadistikal, kosmolohiya, string theory at supergravity.[2] Siya ay tumanggap ng 2013 Prince of Asturias Award sa pagsasaliksik na teknikal at siyentipiko kasama ni Peter Higgs at CERN.

François Englert
Kapanganakan (1932-11-06) 6 Nobyembre 1932 (edad 92)
NasyonalidadBelgian
NagtaposUniversité Libre de Bruxelles
ParangalFrancqui Prize (1982)
Wolf Prize in Physics (2004)
Sakurai Prize (2010)
Nobel Prize in Physics (2013)
Karera sa agham
LaranganTheoretical physics

Mga sanggunian

baguhin
  1. "CV". Francquifoundation.be. 1982-04-17. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-12-22. Nakuha noong 2013-10-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Publication list" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2007-07-08. Nakuha noong 2007-07-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)