Francisca Reyes-Aquino
Ang artikulong ito ay nangangailangan pa ng mga link sa ibang mga artikulo upang makatulong isama ito sa ensiklopedya. (Pebrero 2014) |
Si Francisca Reyes-Aquino (ipinanganak noong 09 Marso 1899) ay isang Pilipinong edukador, guro, at nasyonalista, na naging unang babaeng Pilipina na ginawaran ng parangal na Pambansang Alagad ng Sining sa Sayaw sa Pilipinas. Gumawa siya ng malawak at masusing pag-aaral ng mga katutubong sayaw sa Pilipinas at dahil dito, malaki ang naiambag niya sa pagsulong ng kultura ng Pilipino sa larangan ng pagsayaw.
Francisca Reyes-Aquino | |
---|---|
Kapanganakan | Francisca Reyes 9 Marso 1899 |
Kamatayan | 21 Nobyembre 1983 Manila, Philippines | (edad 84)
Trabaho |
|
Kilalang gawa | Philippine Folk Dances and Games (1926) |
Parangal | Republic Award of Merit (1954) Ramon Magsaysay Award (1962) Order of National Artists of the Philippines |
Talambuhay
baguhinSi Francisca Reyes-Aquino ay Ipinanganak siya noong 1899 sa Lolomboy, Bocaue, Bulakan, at panganay sa tatlong anak nina Felipe Reyes at Juliana Santos Reyes. Nag-aral siya sa Meisic Elementary School, Tondo Intermediate School, at Manila High School sa Tondo, Maynila. Natamo naman niya ang kanyang “High School Teacher's Certificate (H.S.T.C.) noong 1923 at ang kanyang Batsilyer sa Agham sa Edukasyon noong 1924 mula sa Unibersidad ng Pilipinas (UP).
Mga isinulat
baguhin- Philippine National Dances (1946)
- Gymnastics for Girls (1947)
- Fundamental Dance Steps and Music (1948)
- Foreign Folk Dances (1949)
- Dances for all Occasion (1950)
- Playground Demonstration (1951)
- Philippine Folk Dances, Volumes I to VI
Mga parangal
baguhin- Republic Award of Merit mula kay Presidente Ramon Magsaysay, 1954
- Doctor of Sciences degree in Physical Education, Honoris Causa mula sa Boston University
- Doctor of Humanities, Honoris Causa mula sa Far Eastern University, Maynila, 1959
- Cultural Award mula sa UNESCO
- Rizal Pro-Patria Award
- Certificate of Merit mula sa Bulacan Teachers Association
- Ramon Magsaysay Award, 1962
- Award for Outstanding Alumna, College of Education, UP
- Pambansang Alagad ng Sining, 1973
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Sayaw at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.