Francisco Fronda
Si Francisco M. Fronda (1896 – 1986) ay kinilalang "Ama ng siyensiya ng Manukan sa Pilipinas" at kinilalang "Ama ng Industriyang Manukan sa Thailand" mula sa Prinsesa ng Thailand noong 1982. Nakapagsulat siya ng mahigit na 500 na artikulo ukol sa manukan at iba pang hayop. Sa kanyang kontribusyon sa larangan ng agrikultura ang naging batayan ng paggawad sa kanya bilang Pambansang Siyentipiko noong 1983.
Ipinanganak sa Santo Tomas, Aliaga, Nueva Ecija noong 22 Disyembre 1896. Nagkapagtapos siya ng Bachelor of Science in Agriculture sa Unibersidad ng Pilipinas taong 1919. Ipinagpatuloy ang pag-aaral at nagtapos ng Masters of Science (1920) at Ph. D. in Poultry Science (1922) mula sa Unibersidad ng Cornell sa Estados Unidos.
Sa 60 taong pagtuturo at pag-aaral sa larangan ng manukan, hindi matatawaran ang naiambag ni Dr. Fronda sa industriya sa buong Pilipinas at maging sa Asya. Ilan sa kilalang aklat na kanyang naisulat ay ang seryeng "Let us Raise" para sa mga mag-aaral ng elementarya at mataas na paaralan.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.