Francisco ng Asisi

(Idinirekta mula sa Francisco ng Assisi)

Si San Francisco ng Asis, San Francisco ng Asisi, o San Francisco ng Assisi (isinilang bilang Giovanni Francesco Bernardone noong Hulyo 5, 1182 – Oktubre 3, 1226)[1] ay isang santo ng Romano Katoliko. Isa siyang prayle at tagapagtatag ng Orden ng mga Prayleng Menor, na mas pangkaraniwang kilala bilang Mga Pransiskano. Siya ang pintakasing santo ng mga hayop, ng kapaligiran, at ng Italya. Nakaugalian ng mga Katolikong simbahang magsagawa ng mga pagdiriwang na binabasbasan ang mga hayop sa araw ng kanyang kapistahan, tuwing ika-4 ng Oktubre.[2]

San Francisco ng Asisi
Kumpesor
IpinanganakHulyo 5, 1182
Italya
NamatayOktubre 3, 1226
Assisi, Italya
Benerasyon saSimbahang Katoliko, Anglican Communion
KanonisasyonHulyo 16, 1228, Assisi ni Papa Gregorio IX
Pangunahing dambanaBasilica of San Francesco d'Assisi
KapistahanOctober 4
KatangianKrus, Kalapati, Pax et Bonum, Abito ng mga Pransiskano, Stigmata
PatronMga Hayop, Catholic Action, environment, Meycauayan, Italy, Brgy. San Francisco, San Pablo City, Philippines, stowaway, General Trias, Cavite

Mga sanggunian

baguhin
  1. Robinson, Paschal. "St. Francis of Assissi", Catholic Encyclopedia (1913).
  2. "Blessing All Creatures, Great and Small". Duke Magazine. 2006-11-01. Nakuha noong 2007-07-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Santo at Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.