Frank Sinatra
Si Frank Albert "Frank" Sinatra (12 Disyembre 1915 – 14 Mayo 1998) ay isang Amerikanong mang-aawit at artista sa pelikula at telebisyon. Nagsimula ang kaniyang karera sa pag-awit noong katanyagan ng swing bilang isang batang mang-aawit kasama nina Harry James at Tommy Dorsey, naging matagumpay ay kaniyang pagiging solong artista mula noong simula hanggang kalagitnaan ng 1940 nang siya ay kinuha ng Columbia Records noong 1943. Bilang isang idolo ng "bobby soxer", inilbas niya ang kaniyang unang album ang The Voice of Frank Sinatra noong 1946. Naudlot ang kaniyang propesyonal na karera sa simula ng dekada-50, ngunit nanumbalik ito noong 1953 nang manalo siya ng Academy Award bilang Best Supporting Actor sa kaniyang pagganap sa From Here to Eternity. Lumagda siya sa Capitol Records noong 1953 at naglabas ng mga kinalalang album (gaya ng In the Wee Small Hours, Songs for Swingin' Lovers!, Come Fly with Me, Only the Lonely and Nice 'n' Easy). Umalis si Sinatra sa Capitol at nagtatag ng sarili niyang record label, ang Reprise Records noong 1961. Naging matagumpay ang kaniyang mga album gaya ng Ring-a-Ding-Ding!, Sinatra at the Sands at Francis Albert Sinatra & Antonio Carlos Jobim, nag-ikot sa buong mundo at isa sa mga orihinal na kasapi ng Rat Pack at naging malapit sa mga bituin at politiko gaya ni John F. Kennedy.
Frank Sinatra | |
---|---|
Kapanganakan | 12 Disyembre 1915
|
Kamatayan | 14 Mayo 1998
|
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |
Trabaho | artista sa telebisyon, artista sa pelikula, artista, mang-aawit, tagapagboses, prodyuser ng pelikula, direktor ng pelikula, direktor |
Asawa | Ava Gardner (7 Nobyembre 1951–5 Hulyo 1957) Mia Farrow (19 Hulyo 1966–16 Agosto 1968) |
Pirma | |
Noong 1965, sa pagtungtong sa edad na 50, ni-rekord ni Sinatra ang panggunitang September of My Years, nagbida sa Frank Sinatra: A Man and His Music na nanalo ng Emmys, at naglabas ng mga patok na awiting "Strangers in the Night" at "My Way". Lubhang humina ang benta ng kaniyang mga awitin matapos siya lumabas sa ilang mga di-tinangkilik na pelikula, at sa unang pagkakataon nagretiro si Sinatra noong 1971. Ngunit, makaraan ang dalawang taon, muli siyang nagbalik at nagrekord ng maraming album, kasama rito ang pumatok sa Top 40 na "New York, New York" noong 1980. Naging base niya ng pagtatanghal ang Las Vegas at mula rito, lumibot siya ng Estados Unidos at ng buong mundo, hanggang sa maikling sandali bago siya mamatay noong 1998. Naging matagumpay rin ang kaniyang karera sa pag-arte sa pelikula. Nanalo siya ng Best Supporting Actor noong 1952, at nanomina na Best Actor sa The Man with the Golden Arm, at sa kaniyang hinangaang pagganap sa The Manchurian Candidate. Lumabas din siya sa ilang musical, ang High Society, Pal Joey, Guys and Dolls at On the Town.
Pinarangalan siya sa Kennedy Center Honors noong 1983 at ginawaran ng Presidential Medal of Freedom ni Ronald Reagan noong 1985, at Congressional Gold Medal noong 1997. Tumanggap din si Sinatra ng labing-isang Grammy Awards, kasama rito ang Grammy Trustees Award, Grammy Legend Award at ang Grammy Lifetime Achievement Award.
Sanggunian
baguhin
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.