Frashokereti

(Idinirekta mula sa Frashōkereti)

Ang Frashokereti (frašō.kərəti) ang terminong Avestan para sa doktrina ng Zoroastrianismo ng huling pagpapanumbalik ng uniberso nang ang masama ay wawasakin at ang iba pang lahat ng bagay ay magiging nasa perpektong pagkakaisa sa diyos na si Ahura Mazda. Ang mga premisa ng doktrinang ito ang: (1) ang mabuti ay kalaunang mananaig sa masama; (2) ang nilikha sa simula ay perpektong mabuti ngunit kalaunang sinira ng masama; (3) ang daigdig sa huli ay papanumbalik sa perpeksiyon nito sa panahon ng pagkakalikha dito; (4) ang kaligtasan ng isang indibidwal ay nakasalalay sa kabuoan ng mga pag-iisip, salita at mga gawa ng taong ito at walang interbensiyon kahit pa sa kahabagan o kaprisyoso ng anumang diyos ang magpapabago dito at kaaya ang bawat tao ay nagdadala ng responsibilidad sa kapalaran ng sarili nitong kaluluwa at sabay na makikisalo sa responsibilidad ng kapalaran ng daigdig.

Sa wakas ng panahon, ang isang tagapagligtas na Saoshyant ay magdadala ng huling pagpapanumbalik sa daigdig (frasho.kereti) kung saan ang mga namatay ay muling bubuhayin. Ang Saoshyant ay kinikilala na anak na lalake ni Vîspa.taurwairî at magmumula sa Ilog na Kansaoya/Kansava at magdadala ng parehong sandata na Verethragna na ginamit rin ng mga epikong bayani at hari na Iranian sa nakaraan upang labanan ang iba't ibang mga kalaban na demoniko. Ang Haurvatat, Ameretat at iba pang mga katulad na entidad ang kanyang magiging kasama at kanilang tatalunin ang mga nilikha ni Angra Mainyu. Ang matuwid ay makikilahok sa parahaoma na magkakaloob sa kanila ng walang hanggang buhay. Pagkatapos, ang sangkatauhan ay magiging tulad ng mga Amesha Spenta na nabubuhay na walang pagkain, walang kagutuman o pagkauhaw at walang mga sandata. Ang lahat ay makikisalo sa isang layunin na sasali sa diyos para sa isang walang hanggang pagdakila sa kaluwalhatian ng diyos.