Frederick Cook
Si Frederick Albert Cook (10 Hunyo 1865 – 5 Agosto 1940) ay isang Amerikanong eksplorador at manggagamot, na nakilala dahil sa kaniyang pag-angkin na narating niya ang Hilagang Polo noong 21 Abril 1908.[1] Ang petsang ito ay isang taon bago ang 6 Abril 1909, na petsang inaangkin ni Robert Peary nang marating niya ang Hilagang Polo.[2]
Frederick Albert Cook | |
---|---|
Kapanganakan | 10 Hunyo 1865 |
Kamatayan | 5 Agosto 1940 | (edad 75)
Edukasyon | Columbia University, M.D. (1890) |
Talambuhay
baguhinSi Cook ay ipinanganak sa Callicoon, Sullivan County, New York. Ang mga magulang niya ay sina Dr. Theodore A. Koch at Magdalena Long, kamakailang mga imigranteng Aleman sa Estados Unidos noong mga panahong iyon. Nag-aral siya sa Pamantasan ng Columbia, kung saan natanggap niya ang kaniyang Pagkaduktor sa Medisina noong 1890. Noong 1889, pinakasalan niya si Libby Forbes, na namatay noong 1890. Sa kaniyang ika-37 kaarawan, pinakasalan niya si Marie Fidele Hunt; nagkaroon sila ng isang anak na babae, na pinangalanang Helene. Noong 1923, nagdiborsiyo sila, na maaaring dahil sa mga kadahilanang pampananalapi na may kaugnayan sa isang pasapit na paglilitis hinggil sa panloloko.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "WHO FIRST REACHED THE NORTH POLE?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link): sa sangguniang ito ang pangalan ni Frederick Albert Cook ay nakatala bilang "Frederick Clark", " (...) A rival explorer, Frederick Clark, claimed to have beaten (Robert) Peary by getting to the (North) Pole in 1908 (...)", pahina 113. Paunawa: Maaaring may kamalian ang apelyidong Clark. - ↑ Henderson, B. 2009, pp. 58–69
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.