Frederick Law Olmsted

Si Frederick Law Olmsted, Sr. (Abril 26, 1822 – Agosto 28, 1903) ay isang Amerikanong arkitekto ng mga tanawin o paysahe (landscape), mamamahayag, manunuring ng lipunan, at tagapangasiwang publiko. Tanyag siyang itinuturing na ama ng Amerikanong arkitekto ng mga tanawin, bagaman maraming mga iskolar na naggawad ng titulong ito kay Andrew Jackson Downing. Bantog si Olmsted sa pagdidisenyo ng maraming nakikilalang mga urbanong liwasan na kasama ang kaniyang kasosyong nakatataas na si Calvert Vaux, kasama na ang Central Park[1] at ang Prospect Park na nasa Lungsod ng New York,[2] pati na ang Elm Park (Worcester, Massachusetts), na itinuturing na unang liwasang munisipal sa Estados Unidos. Itinaguyod ni Olmsted ang ideya ng pagkakaroon ng mga liwasang pangrekreasyon sa kahabaan ng Estados Unidos.[1]

Si Frederick Law Olmsted, Sr.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R115.
  2. "F. L Olmsted is Dead; End Comes to Great Landscape Architect at Waverly, Mass. Designer of Central and Prospect Parks and Other Famous Garden Spots of American Cities." New York Times. Agosto 29, 1903.