Arctocephalinae
Ang mga mababalahibong karnerong-dagat o osong-dagat (Ingles: fur seal, kung minsan ay sea bear) ay ang anuman sa siyam na mga espesye ng mga pinniped na nasa pamilyang Otariidae. Ang isang espesye, ang panghilagang mabalahibong karnerong-dagat (Callorhinus ursinus) ay naninirahan sa Hilagang Pasipiko, samantalang ang pitong mga espesyeng nasa genus na Arctocephalus ay pangunahing natatagpuan sa Silangang Hemispero. Mas malapit ang kanilang kaugnayan sa mga leong-dagat kaysa sa tunay na mga karnerong-dagat (mga karnerong-dagat na "walang mga panlabas na bahagi ng tainga") at nagsasalo sa kanila ng katangian ng pagkakaroon ng mga bahagi ng taingang panlabas (pinnae), mahahaba at mamasel na mga pangharapang mga palikpik, at ang kakayahan na maglakad sa pamamagitan ng apat na mga paa-paahan. Kinatatangian sila ng kanilang makapal at siksik na pang-ilalim na mga balahibo o suson ng balat, na napagtuunan ng mahabang panahon ng pangkalakalang pangangaso.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Soolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.