Ang G9 ang pinakaunang solong album ni Gloc-9. Meron itong labindalawang mga awitin at inilabas sa ilalim ng Star Records.
Matapos mawala sa grupong Death Threat, unang nagtrabaho sa Star Records at Star Cinema si Gloc-9 bilang isang mananaliksik ng mga awitin (musical researcher) kung saan karaniwang ginagamit bilang temang awitin sa pelikula ng Star Cinema at palabas sa telebisyon. Napansin ni Gloc-9 na hindi kagandahan ang kanyang mga minumungkahi niyang mga awitin kaya naisipan na lamang niya na sumulat at umawit na lang ng mga bagong awitin na tingin niya ay mas angkop para sa palabas. Isa sa mga pelikula na ginawaan niya ng orihinal na temang awitin ay ang Jologs. Naging bahagi rin siya sa paligsahan ng paglikha ng mga awitin, ang Himig Handog Love Songs (pinapangunahan ng ABS-CBN noong taong 2002 kung saan naisulat niya ang awiting "Bakit?" kasama si Cookie Chua. Matapos nito, nagbigay ng mungkahi si Jonathan Manalo na dahil sa marami na rin naman nagawang mga awitin si Gloc-9, bakit hindi niya ito dagdagan upang makagawa ng isang album.
|
1. | "Isang Araw" | 2:08 |
2. | "Sikat na si Pepe" | 4:08 |
3. | "Ayoko na" | 5:02 |
4. | "Sayang" | 4:00 |
5. | "Simpleng Tao" | 4:04 |
6. | "Si Raul" | 3:28 |
7. | "Hinahanap ng Puso (kasama si Hannah Romawac ng sessiOnroad)" | 4:22 |
8. | "Bakit? (kasama si Cookie Chua)" | 4:25 |
9. | "Laklak (kasama si Dong Abay)" | 3:13 |
10. | "Masama Yan" | 3:41 |
11. | "Jologs" | 3:49 |
12. | "Ako si..." | 3:12 |