Gabe Baltazar
Si Gabe Baltazar ay isang Pilipino-Amerikanong alto-saxoponista sa larangan ng musikang jazz.
Gabe Baltazar | |
---|---|
Kapanganakan | 1 Nobyembre 1929
|
Kamatayan | 12 Hunyo 2022 |
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |
Trabaho | musikero ng jazz |
Ibinibilang sa mga huling magigiting na alumni mula sa Orkestrang Stan Kenton, tumungo si Baltazar sa punong-lupain (mainland) ng Estados Unidos mula sa Hawaii noong kalagitnaan ng dekada 1950 upang mag-rekord ng musika kasama si Paul Togawa noong 1957, at sumanib sa bandang Lighthouse All-Stars sa loob ng maikling panahon ng 1960. Nakatanggap siya ng pagkilala dahil sa maraming taon na pagsama kay Kenton (mula 1960 hanggang 1965), na sa panahong yaon ay nag-rekord ng may ilang magagaling na tugtuging pang-soloista. Nagtrabaho si Baltazar na kasama si Terry Gibbs noong 1965, at lumikha ng mga record na kasama si Gil Fuller at Oliver Nelson bago bumalik sa Hawaii noong 1969. Noong dekada ng 1990, madalas bumisita si Baltazar sa California upang magsilbing pinuno ng banda at mag-record ng tugtugin para sa mga tatak na Fresh Sound at V.S.O.P..
Mga sanggunian
baguhin- Astrid. Danny Barcelona RIP, Gabe Baltazar, Kasabayan ni Danny Barcelona, JazzReview.com, Sabado, Abril 7, 2007 Naka-arkibo September 27, 2007[Date mismatch], sa Wayback Machine., isinangguni noong: Hulyo 6, 2007
- Monday’s Picks (Mga Pili sa Araw ng Lunes): Gabe Baltazar, Eddie Sax at “Shock Mondays”, na may kasamang totoong larawan ni Gabe Baltazar (mula sa mismong manunugtog), Star Bulletin, at StarBulletin.com, Lunes, Hulyo 2, 2007[patay na link], isinangguni noong: Hulyo 7, 2007
- Gabe Baltazar, Diskograpiya, Ang Eksena sa Larangan ng Jazz sa Honolulu (The Honolulu Jazz Scene) at HonoluluJazzScene.net (walang petsa) Naka-arkibo 2007-09-30 sa Wayback Machine., isinangguni noong: Hulyo 8, 2007