Gabriel García Márquez

Si Gabriel José de la Concordia García Márquez (6 Marso 1927 – 17 Abril 2014) ay dating Colombianong nobelista, manunulat, at peryodista; magiliw siyang tinatawag na Gabo sa buong Lating Amerika.

Gabriel García Márquez
Gabriel García Márquez noong 2002
KapanganakanGabriel José de la Concordia García Márquez
6 Marso 1927(1927-03-06)
Aracataca, Colombia
Kamatayan17 Abril 2014(2014-04-17) (edad 87)
Lungsod ng Mexico, Mexico
NasyonalidadColombia Colombiano
Alma materUniversidad de Cartagena
KaurianNobela, maikiling-kuwento
Kilusang pampanitikanLatin American Boom, magic realism
(Mga) kilalang gawaOne Hundred Years of Solitude, The Autumn of the Patriarch, Love in the Time of Cholera
(Mga) parangalNeustadt International Prize for Literature
1972
Nobel Prize in Literature
1982
(Mga) asawaMercedes Barcha Pardo
(Mga) anakRodrigo, Gonzalo


Lagda

Itinuturing bilang isa sa pinakamahalagang awtor ng ika-20 siglo, ginawaran siya ng Neustadt International Prize for Literature noong 1972 at ng Nobel Prize sa Panitikan noong 1982.[2] Nagpasiya siyang matuto nang sarili na nagresulta sa kaniyang paglisan sa paaralan ng batas upang pumasok sa pamamahayag. Sa simula pa lang, hindi siya nangimi sa kaniyang kritisimo ng pulitika sa Colombia at ng daigidig. Noong 1958, ikinasal siya kay Mercedes Barcha; nagkaroon sila ng dalawang supling, si Rodrigo at Gonzalo.[3]

Nagsimula si García Márquez bilang isang peryodista, at nagsulát ng maraming hinahangaang kathang kuwento at maikling kuwento, ngunit higit siyang nakilala sa kaniyang mga nobela, gaya ng One Hundred Years of Solitude (1967), The Autumn of the Patriarch (1975) at Love in the Time of Cholera (1985). Natamò ng kaniyang mga gawa ang malawakang kritikal na paghanga at naging mabentang-mabenta ang mga ito; lalo na sa pagpapasikat ng estilo niya sa panunulat na binansagang magic realism – na gumagamit ng elementong salamangka at kaganapan sa totoo naman at karaniwang mga pangyayari. Ang ilan sa kaniyang mga gawa ay naganap sa kathang bayan ng Macondo (inspirasyon niya rito ang kaniyang sinilangang bayan ng Aracataca) at karamihan sa mga ito ay may tema ng pag-iisa.

Sa kaniyang pagpanaw noong Abril 2014, inilarawan siya ni Juan Manuel Santos, Pangulo ng Colombia, bilang "pinakadakilang Colombianong nabúhay."[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 Stone, Peter H. "Gabriel Garcia Marquez, The Art of Fiction No. 69". The Paris Review. Nakuha noong 2014-09-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The Nobel Prize in Literature 1982". Nakuha noong 18 Abril 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Author Gabriel Garcia Marquez dies, BBC News, 17 Abril 2014.
  4. Vulliamy, Ed. "Gabriel García Márquez: 'The greatest Colombian who ever lived'". The Observer. Guardian News and Media Ltd. Nakuha noong 2014-09-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)