Gabriel ng Ina ng Hapis
Si San Gabriel ng Ina ng Hapis (Marso 1, 1838-Pebrero 27, 1862), (Francis Possenti ang kanyang tunay na Pangalan) ay isang Italyanong Pasyonista at santo. Ipinanganak siya sa bayan ng Assisi at ika-11 sa labintatlong magkakapatid. Noong kabataan niya ay laging mahilig siya sa mga sayawan, teatro at pangangaso.
Naramdaman niya ang tawag ng pagpapari mula sa isang prusisyon ng Mahal na Birhen, ang Ina ng Hapis. Tumutol ang tatay niya na si Sante Possenti sa kanyang balak na magpari. Ipinagpatuloy pa rin niya ito at noong ika-9 ng Setyembre 1856 ay pumasok siya sa isang novitiate ng mga Pasyonista sa Morrovalle sa Italya. Pinili niya ang Pangalang 'Gabriel ng Ina ng Hapis' sapagkat naging deboto siya dito. Sa kanyang pagka-novitiate, ipinakita niya ang kanyang pagmamahal kay Kristo at sa Inang Birhen ng Hapis. Binibigyan rin niya ng haalga ang mga simpleng bagay na ginagawa niya
Bago pa siya maging diakono, nagkasakit siya ng Tubercolosis at namatay noong Pebrero 27, 1862 sa Monasteryo ng Pasyonista sa Isola del Gran Sasso sa Abruzzi, Italy. Namatay siya ng hindi naabot ang paggiging pari.
Ibineatipika si San Gabriel ni Papa San Pius X noong Mayo 31, 1908 at noong Mayo 13, 1920, kinanonisa siya ni Papa Benedikto XV bilang santo at patron ng mga kabataang Katoliko. Patron din siya ng mga seminarista at ng rehiyon ng Abruzzi sa Italya.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.