Gaia (mitolohiya)

(Idinirekta mula sa Gaia)

Si Gaia (play /ˈɡ.ə/ or /ˈɡ.ə/; mula sa Sinaunang Griyegong Γαῖα "lupain" o "mundo;" gayundin ang Gæa, Gaea, o Gea;[1] Koine Greek: Γῆ) ay ang Protogenoi o primordiyal na diyos ng Mundo sa sinaunang relihiyong Griyego. Si Gaia ang magiting na ina ng lahat: ang mga makalangit na mga diyos at mga Titano ay nagmula sa kanya dahil sa kanyang pakikipagniig kay Uranus (ang kalangitan); ang mga diyos ng dagat mula sa kanya dahil sa kanyang pakikipagtalik kay Pontus (ang dagat); ang mga Higante mula sa kanyang pakikipagtalik kay Tartarus (ang hukay ng impiyerno); at ang mga nilalang na mortal na nagmula sa kanyang kalamnang lupa. Ang pinakamaagang pagtukoy sa kanya ay ang Griyegong Misenaeano (Linear B) na ma-ka (transliterasyon: ma-ga), "Inang Gaia."[2]

Si Gaia, ipininta ni Anselm Feuerbach (1875).

Ang katumbas niya sa panteong Roman ay si Terra.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Ang pagbabaybay na Gea ay pangkaraniwang hindi ginagamit sa makabagong Ingles.
  2. Palaeolexicon, Kasangkapan sa pag-aaral ng salita ng sinaunang mga wika