Si Gail Davis ay ipinanganak na Betty Jeanne Grayson; noong Oktubre 5, 1925 at namatay noong Marso 15, 1997. Sya ay isang Amerikanang artista at mang-aawit, na kilala sa kanyang pinagbidahan bilang si Annie Oakley sa serye sa telebisyon noong 1950s na si Annie Oakley. [1]

Gail Davis
Si Davis noong 1956
Kapanganakan
Betty Jeanne Grayson

5 Oktubre 1925(1925-10-05)
Kamatayan15 Marso 1997(1997-03-15) (edad 71)
LibinganForest Lawn Memorial Park, Hollywood Hills, California
NagtaposHarcum Junior College for Girls
University of Texas at Austin
TrabahoAktres
Aktibong taon
  • 1946–1961
  • 1994
Asawa
  • Bob Davis (k. 1945; d. 1952)
  • Richard Pierce (k. 1959; d. 1967)
  • Carl Guerriero (k. 1971; d. 1982)
Anak1

Buhay at karera

baguhin

Mga unang taon

baguhin

Sya ang anak na babae ng isang manggagamot sa maliit na bayan, si Davis ay isinilang sa Little Rock, Arkansas, ngunit pinalaki sa McGehee, Arkansas hanggang sa lumipat ang kanyang pamilya sa Little Rock.[kailan?]</link>[ <span title="The time period mentioned near this tag is ambiguous. (February 2014)">kailan?</span> ]

Siya ay kumakanta at sumasayaw mula pagkabata. Pagkatapos ng kanyang pag-aaral sa Little Rock High School, nag-aral siyang muli sa Harcum Junior College for Girls sa Bryn Mawr, Pennsylvania, at kinumpleto ang kanyang pag-aaral sa University of Texas sa Austin. [2] Mayroon siyang nakababatang kapatid na babae, si Shirley Ann Grayson na isinilang noong Agosto 26, 1937 -at namatay noong Pebrero 23, 1971.

Pelikula

baguhin

Si Betty Jeanne at ang kanyang asawa na si Bob Davis, ay lumipat sa Hollywood upang ituloy ang kanyang karera sa pelikula. Sinabi niya sa isang tagapanayam kung paano niya nakuha ang kanyang propesyonal na pangalan sa pag-arte. "Pumirma ako sa ilalim ng kontrata sa MGM noong 1946. Sinabi nila sa akin na 'hindi tayo maaaring magkaroon ng Betty Davis, dahil kay Bette Davis, at hindi rin tayo pwede magkaroon ng Betty Grayson dahil kay Kathryn Grayson '.... Pagkatapos ay isang lalaki sa cast ang nagsabi ng bakit hindi na lng 'Gail Davis?' Kaya doon ito nanggaling." [3]

Noong 1947, ginawa niya ang kanyang unang paglabas sa motion picture sa isang maikling komedya. Pagkatapos ay gumanap siya na menor de edad sa apat pang pelikula, ang una ay ang The Romance of Rosy Ridge, [4] pagkatapos ay nakakuha ng isang suportang papel sa bida na si Roy Rogers noong 1948 sa The Far Frontier. Mula 1948 hanggang 1953, lumabas si Davis sa 32 tampok na pelikula, [4] lahat maliban sa tatlo ay nasa Western genre. Dalawampu sa mga pelikulang Kanluranin ang kasama ni Gene Autry, na ginawa ng kanyang kumpanya, Gene Autry Productions, na inilabas at ipinamahagi ng Columbia Pictures.

  1. "ACTRESS GAIL DAVIS DIES AT 71; PLAYED ANNIE OAKLEY IN TV SERIES". Buffalo News. Marso 17, 1997. Nakuha noong Hulyo 19, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Gene Autry Collection: TV's Annie Oakley". autrycollection.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 4, 2008. Nakuha noong Enero 9, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Annie Oakley Hits the Bulls-Eyes, Summer/Fall 1994 Trail Dust magazine.
  4. 4.0 4.1 Hendricks, Nancy. "Gail Davis (1925-1997)". The Encyclopedia of Arkansas History & Culture. Nakuha noong Mayo 16, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)