Ang mga Galliformes ay isang orden ng mga ibon na may mabibigat na mga katawan at nanginginain sa lupa, na kinabibilangan ng pabo, manok-gubat, manok, pugo ng Bago at Lumang Mundo, ptarmigano, pugong labuyo, benggala, at ng Cracidae. Kabilang ang mga ito sa karaniwang mga ibong sinisila ng mga taong maninila, kasama ng mga Anseriformes. Mahigit sa 250 nabubuhay na mga espesye ang matatagpuan sa buong mundo. Sa karaniwan, ang mga ibong kabilang sa orden ng Galliformes ay mayroong apat na mga daliri sa paa: tatlong mahahaba na nasa harapan ng paa upang makapaghukay o makapaghalukay at makapagkamot, at isang maiksi na nasa likuran naman ng paa.

Galliformes
Temporal na saklaw: Eoseno-Kamakailan, 45–0 Ma
posibleng nasa mga rekord ng Hulihan ng Kretasyoso
Lalaking Kulay Abong Manok-Gubat, Gallus sonneratii
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Aves
Klado: Pangalliformes
Orden: Galliformes
Temminck, 1820

Ibon Ang lathalaing ito na tungkol sa Ibon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.