Gangnihessou
Si Gangnihessou ang kauna-unahan sa mga tradisyonal na "labing-dalawang hari ng Dahomey." Maaari na naghari siya noong mga 1620. Isang lalaking ibon na gangnihessou (isang rebus ang ibong ito para sa kanyang pangalan), tambol, at mga sibat ang kanyang mga simbulo. Hindi lubusang naliwanagan sa kasaysayan kung nakapaglingkod siya bilang hari. Siya ay maaaring naging maimpluwensiyang pinuno na ginamit ang kanyang kapangyarihan upang magbigay payo sa kapakanan ng komunidad sa pamamagitan ng kanyang nakababatang kapatid na si Dakodonou. Bagaman, malinaw din na kinilala si Dakodonou bilang isang hari sa panahon ni Gangnihessou.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.