Gasolinahan

lugar na nagtitinda ng panggatong para sa mga sasakyan

Ang isang gasolinahan o estasyon ng gasolina ay isang pasilidad na nagtitinda ng panggatong at lubrikante para sa mga sasakyang de-makina. Sa kasalukuyan, ang pinakakaraniwan na itinitindang panggatong ay ang gasolina (o petrolyo) at diesel. Para sa mga sasakyang de-kuryente, ang katapat na pasilidad ay isang kargahan o estasyon ng pagkarga.

Isang gasolinahan ng Petron sa Pateros, Kalakhang Maynila.

May mga nakalagay na bomba ng gasolina (gasoline pump) ang isang gasolinahan na maaaring magdispensa ng iba't-ibang panggatong sa tangke ng mga sasakayan, tulad ng gasolina, diesel, kerosina ("gaas"), CNG, LPG, mga biyoalkohol tulad ng etanol, atbp., at itinatala into ang halaga ng panggatong na idinispensa sa tangke ng isang sasakyan. Higit pa sa panggatong, karaniwan din sa isang gasolinahan ang kompresor ng hangin, na karaniwang ginagamit para sa pamimintog ng gulong ng sasakyan kung kinakailangan ito.

Marami ring pasilidad ang umiiral sa isang gasolinahan na walang kinalaman sa paggatong ng sasakyan. May mga tindahan din ang maraming mga gasolinahan, kung saan maaaring bumili ng sari-saring bagay tulad ng pagkain (karaniwa'y sitsirya, kendi, atbp.), inumin, langis para sa makina, at ibang mga bagay para sa mga sasakyan at sa kaginhawaan ng mga tsuper at mananakay.

Sasakyan Ang lathalaing ito na tungkol sa Sasakyan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.