Gaston Ortigas
Si Gaston Zavalla Ortigas (Enero 31, 1931 – Agosto 31, 1990), na kilala rin bilang Gasty ay isang Pilipinong propesor, repormista para sa mga isyu ng repormang agraryo at kapayapaan, at negosyante na pinaka-kilala para sa kanyang pagtutol sa diktadurya sa ilalim ng Batas Militar nung panahon ni Ferdinand. Marcos, at para sa kanyang pagtaguyod ng prosesong pangkapayapaan sa pagitan ng Gobyernong Pilipino at iba't ibang kilusang kumalaban sa diktadurya ngunit hindi nagsuko ng kanilang mga armas matapos mapatalsik si Marcos noong Pebrero 1986. Siya'y naging dekano ng Asian Institute of Management (AIM).
Naging mahalaga ang papel ginampanan niya sa pagbuo ng mga kilusang sibil para sa kapayapaan, bilang isa sa mga orihinal na convenor ng Coalition for Peace, at malaki din ang kaniyang naging papel National Peace Conference na kalaunan ay naging Multi-Sectoral Peace Advocates (MSPA).
Talambuhay
baguhinBago ideklara ang Martial Law, nagturo si Ortigas bilang miyembro ng faculty sa Asian Institute of Management (AIM), bilang dalubhasa sa pamamahala sa industriya at produksyon. Noong 1970 ay sumali siya sa Christian Social Movement na inorganisa ni Senador Raul Manglapus .
Matapos ang deklarasyon ng Batas Militar, sumapi si Ortigas sa iba't ibang organisasyong sibil na tumutuligsa sa awtoritaryan na rehimen ni Marcos, tulad ng Bishops-Businessmen's Conference at Movement for a Free Philippines (MFP), na pinamunuan din ni Manglapus. Sa kalaunan ay kinailangan niyang tumakas ng bansa upang maiwasang mahulog sa kamay ng mga sundalo ni Marcos.
Pagkatapos ng 1986 People Power Revolution, bumalik sa Pilipinas ang Ortigas at naging tagapagtaguyod ng repormang agraryo at proseso ng kapayapaan. Naglingkod din siya bilang dekano sa AIM sa loob ng apat na taon mula nung kanyang pagbabalik sa bansa hanggang sa kanyang pagkamatay.
Nagkaroon siya ng isang matagalang sakit, at ito'y kaniyang ikinamatay noong Agosto 31, 1990.
Pamana
baguhinBilang alalaala sa kanya, itinatag ng Ateneo de Manila University ang Gaston Z. Ortigas Peace Institute anim na buwan pagkatapos ng kanyang kamatayan. Ang kanyang pangalan ay nakaukit din sa Wall of the Remembrance ng Bantayog ng mga Bayani, na nagpaparangal sa mga martir at bayani ng Pilipinas na lumaban sa diktadura.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin