Unibersidad ng Georgetown
Ang Unibersidad ng Georgetown (Ingles: Georgetown University) ay isang pribadong unibersidad sa pananaliksik sa distrito ng Georgetown sa Washington, DC, ang kabisera ng Estados Unidos. Itinatag noong 1789 bilang Georgetown College, ang unibersidad ay lumago at sa kasalukuyan ay binubuo ng siyam na mga paaralan sa antas undergraduate at gradwado. Ang pangunahing kampus ng Georgetown ay matatagpuan sa isang burol sa itaas ang Ilog Potomac. Ang Georgetown ay nag-aalok ng mga programang digri sa 48 disiplina, at merong humigit-kumulang 7,500 undergraduate na mag-aaral at 10,000 gradwadong mag-aaral mula sa higit sa 130 bansa.[1] Ang kampus ay agad nakikilala dahil sa Healy Hall, na isang National Historic Landmark.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "International Students, Faculty, and Researchers". Office of International Programs. Georgetown University. 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 24, 2013. Nakuha noong Disyembre 9, 2012.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
38°54′26″N 77°04′22″W / 38.9072°N 77.0728°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.