Georgia O'Keeffe
Si Georgia Totto O'Keeffe (Nobyembre 15, 1887 – Marso 6, 1986) ay isang alagad ng sining na sinilang malapit sa Sun Prairie, Wisconsin, Estados Unidos.[1] Pangunahin siyang nakikilala dahil sa kaniyang modernistang mga larawang ipininta, na gumagamit ng mga elementong abstrako at kongkreto. Ang kaniyang mga akdang mayroong mga bulaklak at mga bungo ng baka ay naging bantog.
Unang napansin si O'Keeffe ng pamayanang pansining ng New York noong 1916. Gumawa siya ng mga dibuhong malalaki na mayroong pinalaking mga bulaklak, na inihaharap niya nang malapitan na parang nakikita sa pamamagitan ng lenteng nagpapalaki, at ng mga gusali ng New York, na ang karamihan ay nagpepetsang mula sa magkakaparehong dekada. Simula noong 1929, nang magsimula siyang magtrabaho nang bahagian ang panahon sa Hilagang New Mexico - na ginawa niyang permanenteng tahanan noong 1949 - naglarawan si O'Keeffe ng mga paksang partikular sa lugar na iyon. Kinilala si O'Keefe bilang Ina ng Modernismong Amerikano.[2]
Mga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Tao, Sining at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.