Gertrudes ng Altenberg
Si Gertrudis ng Altenberg (ipinanganak noong bandang Oktubre 1227 – namatay noong 13 Agosto 1297), kilala rin bilang Gertrudes ng Aldenberg, ay isang pinagpala, birhen, at relihiyosa. Anak na babae siya ni Santa Isabel ng Unggarya (Elizabeth ng Unggarya) at ni Ludwig na "lupang-grabe" (landgrave sa Ingles, isang titulo ng prinsipe o isang konde sa sinaunang Alemanya) ng Thuringia, Alemanya. Ipinanganak si Gertrudis dalawang linggo pagkaraang mamatay ni Konde Ludwig. Dinala siya ng kanyang ina sa kumbentong Premonstratensiyano ng Altenberg, kung saan tumanggap si Gertrudis ng edukasyon. Ang pagdadala kay Gertrudis sa kumbentong iyon ay isang pagtupad sa pangako ng kanyang ama’t ina na ialay ang kanilang anak para sa paglilingkod sa Diyos. Nang nasa wastong gulang na si Gertrudis, nagpasya siyang maging isang madre sa Altenberg. Naitalaga siya bilang isang madre superyor ng kumbento noong sumapit na siya sa edad na 22. Kabilang sa kanyang mga gawaing makapananampalataya ang pagtulog na nakahimlay sa dayami lamang mula Miyerkules ng Abo hanggang Linggo ng Palaspas; at ang pagtulog na nakahiga sa isang lantad na tabla ng kahoy lamang tuwing gabi sa panahon ng Mahal na Araw bilang pagbibigay ng dangal sa pasyon ni Hesukristo.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Blessed Gertrude Gertrude of Altenberg, Saints of Today and Yesterday, Magnificat, Tomo 11, Blg. 6, Agosto 2009, pahina 180.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.