Ghosts of Girlfriends Past
Ang Ghosts of Girlfriends Past ay isang Amerikanong Romantikong Pelikula na isinagawa noong 2009, ang pelikula ay basi sa nobela ni Charles Dickens na A Christmas Carol. Ang pagsasagawa ng pelikula ay isinagawa noong 19 Pebrero 2009 hangang Hulyo 2009 sa Boston, Massachusetts nabinida ni Matthew McConaughey, Jennifer Garner at Emma Stone.[2] Ang pelikula ay unang pinalabas noong 1 Mayo 2009.[3]
Ghosts of Girlfriends Past | |
---|---|
Direktor | Mark Waters |
Prinodyus | Brad Epstein Jonathan Shestack Marcus Viscidi |
Sumulat | Jon Lucas Scott Moore |
Itinatampok sina | Matthew McConaughey Jennifer Garner Emma Stone Noureen DeWulf Breckin Meyer Lacey Chabert and Michael Douglas |
Musika | Rolfe Kent |
Sinematograpiya | Daryn Okada |
In-edit ni | Bruce Green |
Tagapamahagi | New Line Cinema |
Inilabas noong | 1 Mayo 2009 |
Haba | 100 min. |
Bansa | United States |
Wika | English |
Kita | $97,862,417[1] |
Plot
baguhinAng kuwento ay tungkol sa isang binatang babaero at potograpo na si Connor Mead, siya'y inibitahan sa kasal ng kapatid niya na si Paul. Habang nasa bisperas ng kasal ng kapatid niya ay nakasalubong niya ang ex-girlfriend niya na si Jenna, kung saan marami siyang naalitan dahil sa kanyang mga opinyon sa pag-ibig at kinukumbinsi si Paul na wag nang magpakasal.
Mamaya Maya sa gabi'y siya'y binisita ng kaluluwa ng dati niyang tagapag-alaga at tiyuhin na si Wayne Mead na isa rin isang dating babaero, inihayag ng kanyang tiyuhin na sa kanya na bibisitahin siya ng tatlong multo at may matutunan siya bago matapos ang gabi.
Siya'y unang minulto ng kanyang dating nobya noong high school na akala niya'y isa sa mga bridesmaid. Pinakita niya ang matalik na pagkakaibigan at pag-iibigan nila ni Jenna noong bata pa sila at mga dati niyang naka-relasyon. Pagkatapos ng ilang mga linggong pagkikita ay nakitulog si Connor sa kay Jenna na pinangako niya na hindi siya iiwan pero dahil sa takot ay iniwan ni Connor si Jenna habang ito'y mahimbing natutulog. Pag-gising ni Jenna at nadiskubre na wala na si Connor ay ito'y nasaktan dahil hindi tinupad ni Connor ang kanyang pangako. Nagising si Connor pagkatapos ipinakita ng Multo ang lahat ng naka-relasyon na babae ni Connor.
Pagkatapos ng ilang sandali ay nasira ni Connor ang Wedding Cake na hindi sadya at humingi ng tawad si Connor kay Jenna sa lahat ng ginawa niya at kinunbinsi nito na siya'y nagbago pero ito'y tinangihan ni Jenna. Pagkatapos ay nag alsa-balutan si Connor mula sa bahay, siya'y nasulubong pagkatapos ng kanyang Sekretariya ay nagpakita bilang ang Multo ng Kasalakuyan kahit hindi sila nagkikita ni Connor ay siya lang ang Konsisteng Babae sa buhay ni Connor. Pinakita ng multo paano sila tinatrato si Connor habang ito'y wala, marami sa mga bisita'y dismayado sa ugali ni Connor subalit si Paul ay pinagmalaki niya ang kapatid niya at si Connor daw ay isang araw babago rin.Si Brad(ang lalaking sineset-up ni Sandra para kay Jenna) ay pinapasaya si Jenna dahil ito'y nagtampo sa isang kommentong sinabi ng isa sa mga Bridesmaid, si Connor ay naging dismayado dahil nalaman niya ang kanyang ugali at personalidad ay pinapalit lang sa isa't isa. Naging dismayado rin siya nang nakita niya ang tatlong babae nabago niya lang nakarelasyon na umiiyak na nainbita ng kanyang sekretariya sa kanyang tirahan.
Pagbalik sa bahay ay natagpuan niya si Sandra nagtatampo pagkatapos nalaman niya na isa sa mga bridesmaid ay nakatalik ni Paul, na nangbabae ng maagang relasyon nila. Habang naman si Connor ay sinisubukan na i-settle ang sitwasyon pero'y hinaharang naman ni Jenna na dinedepensahan ang posisyon ni Sandra. Dahil sa kabiguan ni Paul ay pinaalis niya nalang si Paul.
Pagkatapos ay sinalubong naman si Connor ng Multo ng Hinaharap, isang nakakabihaning babae na ubod ng ganda. Pinakita ng multo ang simbahan kung saan nagpakasal si Brad at Jenna habang isang malungkot at binatang Paul. Nagfast forward ang oras at naging matandang ulyanin na si Paul, dito nakikita ni Connor si Paul sa kanyang funeral kung saan siya lang ang iisang nagdadalamhati. Si Uncle Wayne ay nagpikita ulit at bago tinulak si Connor sa libingan at ilibing ng kanyang dating mga nakarelasyon ay sinabi kay Connor na ito ang pinili niyang daan sa buhay.
Tuwang-tuwa si Connor pag-gising niya sa sumunod na araw hanggang nalaman niya na kinansela ng kapatid niya ang kasal. Si Connor ay agad-agad hinabol si Sandra para kumbinsihin ito bumalik at ituloy ang kasal (kung saan ginamit niya ang dating saksakyan ng kanyang tiyuhin na nabanga). Tagumpay na kumbinsi ni Connor si Sandra na ituloy ang kasal. Sa kasal ni Sandra at Paul, naghayag ng speech si Connor kung gaano kamahal sila ng kanilang mga magulang. Si Paul ay naging potograpo sa Kasal. Pagkatapos umalis si Paul sa resepsiyon ay natagpuan niya si Jenna at inahayag ang kanyang pag-ibig at kanyang pagmamahal kay Jenna at kung gaano ka seryoso siya ngayon. Agad nahulog ang puso ni Jenna kung saan hinalikan niya sa Connor. Huling Makikita silang sumasayaw sa nuebe sa kantang nahiya siya magsayaw kasama si Jenna nang nasa High-school pa sila.
Sanggunian
baguhin- ↑ http://boxofficemojo.com/movies/?id=ghostsofgirlfriendspast.htm
- ↑ Gregg Goldstein (2008-02-04). "Five to haunt 'Girlfriends'". The Hollywood Reporter. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-22. Nakuha noong 2008-05-16.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The Ghosts of Girlfriends Past (2009) - Release Dates
External Links
baguhin- [girlsofgirlfriendspastmovie.com]