Giorgio Napolitano

Ika-11 Pangulo ng Italya

Si Giorgio Napolitano (pagbigkas sa wikang Italyano: [ˈdʒordʒo napoliˈtaːno]; 29 Hunyo 1925 - 22 Setyembre 2023[1]) ay isang politikong Italyano. Magmula noong 2006, naglingkod siya bilang ika-11 Pangulong ng Republika ng Italya. Isang matagal nang kasapi ng Partidong Komunista ng Italya at pagdaka ng Mga Demokrata ng Kaliwa, nagsilbi siya bilang Pangulo ng Kapulungan ng mga Deputado mula 1992 hanggang 1994 at bilang Ministrong Panloob mula 1996 hanggang 1998.

Giorgio Napolitano
Ika-11 na Pangulo ng Italya
Nasa puwesto
15 Mayo 2006 – 14 January 2015
Nakaraang sinundanCarlo Azeglio Ciampi
Sinundan niSergio Mattarella
Personal na detalye
Isinilang
Giorgio Napolitano

29 Hunyo 1925(1925-06-29)
Napoli, Italya
Yumao22 Setyembre 2023(2023-09-22) (edad 98)
Roma, Italya
AsawaClio Maria Bittoni (m. 1959)
Alma materUniversità degli Studi di Napoli Federico II
PropesyonPolitiko
Pirma

Itinalaga bilang Senador habang-buhay noong 2005, lumaon siyang nahalal siya bilang Pangulo ng Italya noong 10 Mayo 2006; nagsimula ang kaniyang panahon ng panunungkulan sa pamamagitan ng seremonya ng panunumpa na isinagawa noong 15 Mayo 2006. Siya ang unang Pangulo ng Italya na naging kasapi sa Partidong Komunista ng Italya at ang unang nahalal para sa ikalawang termino bilang Pangulo.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Giorgio Napolitano è morto: se ne va il primo presidente della Repubblica eletto due volte". la Repubblica (sa wikang Italyano). 2023-09-22. Nakuha noong 2023-09-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Politiko at Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.