Giovanni Bellini
Si Giovanni Bellini (sirka 1430 – 1516[4]) ay isang Italyanong pintor noong panahon ng Renasimyento, na maaaring higit na pinakakilala sa mag-anak na Bellini ng mga pintor na Benesyano. Ama niya si Jacopo Bellini, kapatid na lalaki niya si Gentile Bellini, at kapatid na lalaki niya sa batas si Andrea Mantegna. Itinuturing siya bilang nagdulot ng napakalaking pagbabago sa pagpipintang Benesyano, na nagdala rito papunta sa isang estilong mas nakasisiya sa pandama at mas makulay. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga pinturang langis na malinaw at mabagal matuyo, nakalikha si Bellini ng malalim at mayamang mga tinta o bakas ng kulay at detalyadong mga dilim o anino sa larawang nakapinta. Nagkaroon ng malaking epekto sa paaralan ng Benesyanong pagpipinta, partikular na sa kanyang mga mag-aaral na sina Giorgione at Titian (kilala rin bilang Tiziano Vecellio o Vecelli), ang kanyang marangyang pagkukulay at matatas na atmosperikong mga tanawin.
Giovanni Bellini | |
---|---|
Kapanganakan | 1430 (Huliyano)[1] |
Kamatayan | 29 Nobyembre 1516[3] |
Mamamayan | Republika ng Venezia |
Trabaho | pintor,[2] dibuhista |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Giovanni Bellini (1430?-1516)"; hinango: 15 Mayo 2023; wika ng trabaho o pangalan: Pranses.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 http://www.getty.edu/vow/ULANFullDisplay?find=Giovanni+Bellini&role=&nation=&prev_page=1&subjectid=500019244.
- ↑ https://artsandculture.google.com/entity/giovanni-bellini/m01fcmx?hl=en.
- ↑ Hindi nakatala ang tiyak na petsa ng kanyang kamatayan, subalit nalalamang patay na siya noong 29 Nobyembre 1516 - [1]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Italya at Sining ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.